7. Weird Dream

1794 Words
Sofia Here we go again. I’m in my dream. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang napapanaginipan ko. Ang weird lang kasi bakit paulit-ulit? Like, literal na kung ano ‘yong napanaginipan ko kagabi ay ganoon din ang napanaginipan ko tonight. I saw myself wearing a dazzling beautiful long white wedding gown. Nakatakip din ang buong mukha ko ng puting belo, hawak-hawak ang isang pumpon ng puting rosas sa dalawa kong kamay. Nakatayo ako sa isang malaki at matandang simbahan. Naghihintay na bumukas ang magarang pinto na gawa sa matibay na kahoy. Ramdam ko ang kasiyahan sa aking mukha. ‘Yong kaba at kasiyahan ko ay naghahalo sa kalagitnaan ng aking katawan. This is the moment that I am waiting for! Ikakasal na ako. Suddenly, the two-door of the church opened. Kasabay niyon ang pagtugtog ng slow music na naririnig kong nanggagaling sa loob. Pagkatapos ay sumabay ako sa tugtog na iyon sa aking paglalakad papasok ng simbahan. It was a long walk for me actually. Pero kahit napakahaba ng lalakarin ko papunta sa altar, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ng simbahan. Walang tao. Hindi ko rin makita kung sino ang nagpapatugtong ng mga instrumentong malayang tumutugtog. Pero isang tao lang ang nakita ko roon—the guy who was standing in the altar facing his back to me. He was wearing a white wedding suit. All white kasama ang kanyang tic-tac na sapatos. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ang papakasalan ko sa araw na iyon. Nang malapit na ako sa kanya, he suddenly turn round to face me. I saw his face, his handsome face that I always cherished every time I looked at him. Nakangiti siya sa akin, literal na sobrang saya niya habang nakatingin siya sa akin. Tama nga ako. Si Jon nga iyon. He stretched his hand to me. Tinanggap ko naman iyon at hinayaan ang sarili ko na dalhin niya sa altar, sa harap ng Diyos. The wedding ceremony started. But suddenly, bigla na lang itong naputol nang may marinig akong isang boses ng babae. And she was calling my future husband-to-be. “Jon, no!” Sabay pa kami ni Jon na lumingon sa aming likuran para tingnan kung sino iyon. Doon ko naramdaman ang takot na ayaw ko sanang maramdaman. We saw Angela in the center. She was wearing a white gown also same as mine. Umiiyak siya habang tinitingnan niya si Jon. As I slowly looked into him, I saw how his face changed. Pagkatapos ay tumingin si Jon sa akin and he said, “Sorry.” Malaya niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Pagkatapos ay tumakbo siya papunta kay Angela at niyakap ito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko that time. All I did was cry because Jon left me with another woman that he truly loved. At doon naputol ang masama kong panaginip nang may marinig akong malakas na katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Sumasabay roon ang boses ng kasambahay namin na si Manang Lidia. “Ma’am Sofia? Ma’am Sofia? Ma’am Sofia!?” Mabilis pa sa takbo ng kabayo nang imulat ko ang dalawa kong mata. Para bang gusto kong takasan ang panaginip kong iyon at ayaw ko ng balikan pa. “Manang Lidia, bakit po!?” pabalik na sigaw ko sa kasambahay namin upang tumigil na siya kakatawag sa pangalan ko. “Tawag po kayo ni Ma’am at Sir sa baba. Kakain na raw po ng umagahan.” “Yes, Manang. Pakisabi na lang po na pababa na,” sabi ko at saka ito umalis. Bumangon ako sa pagkakahiga at maayos na umupo roon habang ang likuran ko ay nasa bed rest. Napakapit pa ang dalawa kong kamay sa magkabila kong pisngi dahil hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ‘yong nangyari sa panaginip ko. “Mabuti na lang hindi totoo. Panaginip lang.” Binale-wala ko na lang iyon at tumingin sa drawer na nasa tabi lang ng higaan ko. Nakapatong doon ang isang lamp shade, digital clock, at cell phone ko. Nakita ko sa orasan na maga-alas otso na ng umaga. Tapos doon ko lang din naalala na nag-confess nga pala ako kay Jon kagabi, na sobrang pinagsisihan ko naman sa huli. Bigla tuloy akong kinabahan kasi baka nabasa na niya iyon at nagreply na siya. Napamura tuloy ako ng mahina sa sarili ko. Kinuha ko ang cell phone at dali-daling binuksan ang Messenger ko. Pagtingin ko ay kaagad akong nakahinga nang maluwag nang makitang walang reply akong natanggap galing kay Jon. Nang tingnan ko ang convo naming dalawa, napansin ko na hindi man lang niya na-seen ang last message ko, which is ‘yong confession message ko nga. So ibig sabihin ay hindi pa niya alam!? Shit! Paano ko ba ‘to mabubura!? Iyon kaagad ang dumaan sa isipan ko. Bakit ba kasi walang delete feature ang Messenger? Naisip ko na lang na umalis sa higaan ko’t nag-ayos ng sarili ko sa harap ng salamin. Tinali ko ng maayos ang buhok ko at saka lumapit sa study table para ligpitin ang mga nakakalat na gamit doon, lalo na ‘yong secret notebook na punong-puno ng pictures namin ni Jon at ng mga love message na gusto kong sabihin sa kanya. Ang weird lang kasi kapag napapatingin ako sa secret notebook na iyon ay naiisip ko kaagad ‘yong nangyari sa panaginip ko. Mabilis ko tuloy iniling ang ulo ko para maalis iyon sa isipan ko. Ayoko na sanang sumagi iyon sa isipan ko kasi bangungot iyon para sa akin. Tinago ko na lang ‘yong secret notebook ko roon sa closet as usual, at saka lumabas ng kuwarto. Saktong pagkababa ko sa hagdan ay wala pa ako sa pinakababa nang makita ko si Jon na kakapasok lang ng bahay. Nakapanlakad siya ng suot at mukhang bagong ligo siya kasi basa pa ang buhok niya, which makes him more handsome as he is. Kasunod niya lang si Manang Lidia, na siguro ito na ang nagbukas ng gate para makapasok siya. Bigla tuloy akong kinabahan nang makita si Jon. Well, ganito naman talaga ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang guwapo sa paningin ko. Pero ewan ko ba! Naaalala ko pa rin ‘yong confession message ko sa kanya. Kahit na alam ko na hindi pa niya nababasa iyon ay kinakabahan pa rin ako. Kaya dali-dali akong bumaba na halos tumakbo na ako para maabutan siya. “Why are you here?” tanong ko kaagad kay Jon. Nagtataka naman siya nang tumingin sa akin. “Sabi mo sasama ako na sunduin ang kapatid mo ngayon. Bakit?” he said in a confused tone. “S-Sorry. I almost forgot.” Napakamot ako sa likuran ng ulo ko. Ngumiwi lang siya at may kinuha siya sa kanyang bulsa sa suot niyang jeans. Nakita ko na ‘yong cell phone niyang luma at basag ang screen ang kinuha niya roon. “Sofia, pwede maki-charge? Hindi ako nakapag-charge sa bahay kasi naputulan kami ng kuryente. Pero okay na. Nagawan ko na ng paraan para magkakuryente kami ulit. Binayaran ko muna ‘yong bill bago ako pumunta rito,” nakangiti pa niyang sabi sa akin—explaining the full details. Kasi alam niya na mag-aalala ako kapag may problema sa bahay nila. “So lowbat ka?” tanong ko, which is kind of nonsense para sa akin dahil sinabi niya ngang makiki-charge siya. Ano ka ba, Sofia? Tumango ng ulo si Jon. “Oo. Nag-chat ka nga sa akin kagabi, eh. Hindi ko nabasa. Ano ba ‘yon?” nakangisi pa niyang saad. Doon namilog ang dalawang mata ko. Tapos mabilis kaagad akong nag-isip ng i-dadahilan. “Ano! I just chatted you na huwag ma-late.” “Ganun ba. Sorry hindi ko nabasa. Na-lowbat ako, eh.” “’Wag mo ng basahin. Nandito ka na, eh. Akin na ang cell phone mo at icha-charge ko sa kuwarto.” Binigay naman niya sa akin ang cell phone niya at may parang naisip akong paraan sa isipan ko. “By the way, did you have breakfast already?” I asked him. “Nag-pandesal at kape lang ako sa bahay.” “You should eat. Nandoon sina Mommy at Daddy sa dining room. Pumunta ka na lang doon kung gusto mong kumain.” Tumango na lang ng ulo si Jon at masaya siyang naglakad papunta roon sa dining room, habang ako naman ay mabilis na umakyat sa taas, papunta sa kuwarto, at isinaksak ang charger sa cell phone ni Jon. Nang gawin ko iyon ay dali-dali kong binuksan ang cell phone. Pumunta sa Messenger at nakita ko nga roon ang unread message galing sa akin. Binuksan ko ang convo naming dalawa at tiningnan kung may option bang delete roon. Pero wala. Paano ko kaya ito maaalis? I-delete ko na lang kaya ang convo naming dalawa? Teka? Baka magtaka siya? Who cares!? Ayoko ring mabasa niya ‘yong chat ko sa kanya kagabi. Better to delete the whole convo bago pa niya mabasa iyon. And I did it. Nakahinga ako nang maluwag ng dahil sa ginawa ko. But suddenly the phone rang in a seconds. Nang tingnan ko ito ay nakita ko na may text message na lumitaw sa notification. Text message iyon galing kay Angela. Dahil medyo curious akong tao, tiningnan ko iyon at binasa ang text message niya. It said: “Hi. Who’s this?” Medyo nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Init na nagpapahiwatig na naiinis ako. Hindi ko na lang pinansin. ‘Di ko dapat binabasa ang mga unread text ng mga ka-text ni Jon. Bawal ‘yon. Bitter na ngumiwi na lang ako at lumabas ng kuwarto, bumaba ng hagdan, at pumunta sa dining room para sabayan silang tatlo na kumakain doon. Nang datnan ko sila ay nakita na nagkukuwentuhan ng masaya sina Mommy, Daddy, at Jon habang kumakain. Inanyayahan kaagad ako ni Mommy na kumain na dahil kailangan pa namin pumunta sa airport. Lumapit ako sa lamesa at tumabi sa kinauupuan ni Jon. Ni hindi man lang niya ako napansin kasi busy siyang nakikipag-usap kay Daddy. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil ‘di naman ako nakaka-relate. Kahit nga si Mommy ay napapansin kong nakikipagsabayan lang siya sa dalawa kahit na wala naman talaga siyang ideya sa pinag-uusapan ng mga ito. Hinayaan ko na lang silang mag-usap at kumain na lang ako roon ng tahimik. Nasa isip ko pa rin ‘yong nabasa kong text message doon sa cell phone ni Jon na galing kay Angela. Mas lalo lang akong naba-badtrip kapag naiisip ko na ako ang dahilan kung bakit nagagawa na nilang dalawa na mag-text sa isa’t isa. Badtrip nga talaga. Kung meron sanang paraan para i-undo ang lahat ng nangyayari, ginawa ko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD