8. Sofia's Brother

2298 Words
Sofia Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakasakay ng sasakyan kasama sina Daddy, Mommy, at Jon papuntang airport. Nasa passenger seat kaming dalawa ni Jon. Si Daddy naman ang nagda-drive ng sasakyan at si Mommy naman ay nasa unahan. May kausap si Mommy sa kanyang cell phone. Mukhang si Tita Elena na iyong kausap niya na nagsasabing nasa airport na raw ito kasama si CJ. Sabi ko nga, it’s been 12 years since I didn’t see him. Noong bata pa ako, ang mawalay siya sa akin bilang kapatid ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Way back in 2006, umuwi na lang ako isang araw sa bahay galing school na naga-alsa balutan ng mga gamit sina Mommy at Daddy. Si Manang Lidia naman, na hindi pa ganun katanda tingnan ngayon, ay siya naman ang naga-aasikaso sa pagliligpit ng damit ko sa isang maliit na maleta. Since I was 8 years old that time, I was confused sa mga nangyayari. When I asked my Mom what was happening, she said na magbabakasyon muna raw kami sa Australia, doon kay Tita Elena. Siyempre, na-excite kaagad ako kasi saktong-sakto rin iyon na huling araw na sa school dahil bakasyon na. Sabi pa ni Daddy, two weeks daw kami roon sa Australia at babalik din daw kami kaagad sa Pilipinas dahil may trabaho si Daddy rito bilang isang general ng PNP. My Dad was a policeman actually and he was 48 years old noong panahon na ito. Bukod sa pagiging excited ay nalungkot din ako kasi hindi ko makikita si Jon ng dalawang linggo. Kaya noong nakasakay ako ng sasakyan, katabi ang kapatid kong si CJ na 5 years old pa habang naglalaro ito ng kanyang laruang eroplano, ay tinawagan ko ang cell phone number ng nanay ni Jon. May cell phone ako noon na de-keypad. My Mom bought me with that in case of emergency sa school. In that way, I can also call Jon’s mother kapag pinapapunta ko siya sa bahay para maglaro. On the way to the airport, I talked to Jon that I will not see him for 2 weeks, which I expected na malulungkot din siya. May mga plano sana kaming isinulat kung ano ang gagawin namin ngayong bakasyon at mukhang made-delay pa yata because of the unexpected vacation sa Australia ng pamilya ko. Hindi ko alam na iyon na pala ang kahuli-huling saya na mararamdaman ko dahil pagdating namin sa Australia, before we got back to the Philippines, nagtataka na lang ako kung bakit hindi namin kasama si CJ sa sasakyan papunta sa Airport ng Australia. Nasa sasakyan ako niyon at nakita ko kung paano nagi-iyak si CJ sa bisig ni Tita Elena habang pinapatahan ito. Gusto nitong sumama kay Mommy at Daddy na papunta na sa sasakyan. When I asked them bakit hindi kasama si CJ sa amin na umuwi, sinabihan ako ni Daddy na, “Doon muna si CJ sa Tita Elena niya.” And I saw how he hold his tears on his eyes. Ganoon din si Mommy but she still on her fearless pose. I don’t know the reason kung bakit ang bilis naman nilang ibigay kaagad si CJ kay Tita Elena. Pero noong nag-high school ako ay nalaman ko rin ang dahilan kung bakit nila ginawa iyon. Tita Elena and her Australian husband cannot produce their own child dahil daw may problema sa asawa ni Tita Elena. Hindi ko alam kung ano ang tamang term para riyon, but I heard na baog raw ito at habang hindi pa raw nagkaka-anak ang dalawa ay doon muna pansamantala ang kapatid ko to became their child. Well, para sa akin, noong naiintindihan ko na ang lahat, wala namang problema iyon kasi mabait talaga si Tita Elena at ‘yong asawa niya, which is panatag ako na magiging okay lang si CJ sa kanila. Ang hindi ko lang makalimutan hanggang ngayon ay noong iyak ako ng iyak dahil nami-miss ko ang kapatid ko. Nami-miss ko ang presence niya. Kasi nga bata pa ako niyon at sobrang close talaga kami ni CJ. Nawala lang ang lungkot kong iyon dahil lagi kong kalaro si Jon and he became my brother habang wala si CJ. Sabi pa ng Daddy ko ay baka magbabakasyon si CJ sa Pilipinas kasama si Tita Elena. He said that para hindi na rin ako maging malungkot pa. They did once noong 1st year high school ako pero kaunting araw lang sila nandito. Ang nakakapanibago lang ay hindi na ako kilala ni CJ. Kaya parang nawalan ako ng tunay na kapatid that time. Kaya kapag minsan mababalitaan ko na uuwi si CJ kasama si Tita Elena at ang asawa nitong Australiano dito sa Pilipinas ay hindi na ako umasa pa na makikilala niya ako. Kasi mukhang nailayo na ng panahon ang loob naming dalawa sa isa’t isa. Kung sa akin lang, parang hindi na siya ‘yong CJ na kapatid ko. Ngayong nabalitaan ko na uuwi na si CJ permanently sa amin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magiging masaya ba ako o wala lang? Kaya halo-halo na ‘yong nararamdaman ko ngayong araw. ‘Yon nga lang, I don’t know the reason why Tita Elena decided to bring CJ back to us. Kung ano man iyon ay alam ko na may malaki siyang dahilan. I heard also that CJ was a very stubborn boy, iyon ang sabi ni Mommy sa akin na kuwento naman ni Tita Elena sa kanya. Duda talaga ako na iyon ang dahilan kung bakit ibabalik na ni Tita Elena si CJ sa amin. Lulan pa rin ng sasakyan ay napahinto ako sa pagtitig sa old picture naming dalawa ni CJ sa cell phone ko nang mapatingin ako sa katabi ko. I saw Jon busy texting through his phone. Pagkatapos ay napapansin ko pa na nakangiti siya habang nagtitipa roon. Napairap ako at tumingin na lang sa bintana. The hell! Alam ko na si Angela ‘yong ka-text niya. Kahit masakit tingnan iyon para sa akin, binale-wala ko na lang. Kung saan siya masaya, bahala na siya sa buhay niya. At least, hindi niya nabasa ‘yong confession message ko sa Messenger. He didn’t even notice na nawala ‘yong convo naming dalawa roon dahil ako mismo ang nagbura, eh. Hitsura ng lalaking ‘to! Mabaog ka sana! Pagkarating namin sa airport ay nakita kaagad namin si Tita Elena na nagtutulak ng baggage cart. Kahit sa edad na 53 years old ay makikita pa rin sa hitsura ni Tita Elena ang pagiging mestisa nito. Kulay hazelnut ang kulot nitong buhok at sexy pa ito tingnan kahit na matanda na ito. May taste rin ito sa fashion kaya sobrang maganda ito manamit. Marami ring alahas ang nakasakbit sa leeg at palapulsuhan nito. Kung tutuusin ay medyo ka-edad lang sila ni Mommy. Si Tita Elena nga pala ay ang bunsong kapatid ni Daddy. Sa tabi naman ni Tita Elena ay nakita ko ang isang matangkad at payat na lalaki na nakasuot ng black hoodie jacket at itim na jeans. Naka-sandal slippers lang din ito na kulay itim. Kahit nababalutan ng damit na suot, kitang-kita ko ang kaputian ng balat nito na parang hindi nabibilad sa araw. Kung tutuusin nga ay sobrang puti ng lalaking iyon kaysa sa akin. Hindi lang iyan, dahil sa unang tingin ko pa lang sa binatang iyon ay mapapansin kaagad ang pagkahulma niya sa mukha ko. Magkamukha kami. Parang naging male version ko siya kung tutuusin. Tama nga ang hinala ko. Siya na si Chris John Valdez. Siya na si CJ, ang bunso kong kapatid na lalaki. Kumaway pa si Mommy at Daddy nang makita rin nila ang dalawa. Masaya si Tita Elena na kumakaway sa kanilang dalawa pabalik, pero napansin ko kaagad si CJ na parang wala siya sa mood at mukhang hindi siya masaya ngayon. “Kamukha mo si CJ,” narinig kong bulong ni Jon sa akin. Nasa tabi ko pala siya. I didn’t notice him kasi tutok na tutok nga ako sa kapatid ko. “Guwapo rin,”dagdag pa niya. “So ibig mong sabihin guwapo ako, ganun?” pamimilosopo ko sa kanya. “’Di naman. Kung sa kabaligtaran pa, eh, maganda ka. ‘Yon ang ibig kong sabihin,” nakangisi pa niyang sagot sabay akbay niya sa akin. Mabilis ko iyon napansin at bigla akong na-istatwa sa pagkaka-akbay niya. Kahit gustuhin kong alisin ang pagkaka-akbay ni Jon ay hindi ko magawa. Parang mas gusto kong manatali siyang naka-akbay sa akin. Sus, Sofia! Ikaw na itong nagsusungit kanina sa mokong na ‘to tapos bibigay ka lang din pala kapag inakbayan ka niya! Nang makalapit na silang dalawa sa amin ay mabilis na niyakap ni Mommy si Tita Elena. “My kumare!” maarteng sigaw ni Tita Elena kay Mommy nang magyakap silang dalawa. As I knew, Tita Elena and Mommy Lourdes are best of friend. Actually, to make the story short, si Tita Elena ang dahilan kung bakit nagkakilala sina Daddy at Mommy, at naging sila in the end. Matapos nilang magbeso-beso ay niyakap naman ni Tita Elena ang kuya niya, which is my Dad. “My lovely brother!” maarteng sigaw pa niya sa Daddy ko. “Nice to see you again, Elena,” sabi naman ni Dad bago kumalas si Tita Elena sa kanya. “It’s also nice to see you, My Big Brother Ferdinand,” sagot naman ni Tita Elena. Nang tumingin siya sa akin ay hindi niya kaagad ako namukhaan. Kaya muli siyang tumingin kay Daddy para magtanong. “Is this your daughter? Si Sofia na ba itong nakikita ko?” “Yes. Is she beautiful?” nakangiti pang sagot ni Daddy. Muling tumingin si Tita Elena sa akin at maarteng sumigaw na naman siya. “Magnificent! Sofia, Hija, you’d grown into a woman now!” sabi niya nang yakapin niya ako. Natatawa na lang ako sa sobrang OA niya. “Nice to see you po, Tita,” bati ko nang yakapin ko rin siya. Maya-maya, nang magbitaw kaming dalawa ay curious namang tumingin si Tita Elena kay Jon. Nagtatanong ang mga mata niya kung sino ito kaya napatingin ulit siya kay Daddy. “My Big Brother, I didn’t know you have a son aside from CJ.” “Ah no, you’ve probably mistaken. He is Jon. He is Sofia’s child hood friend. At future son-in-law ko.” Mabilis kong tiningnan nang masama si Daddy dahil sa sinabi niya. Sinaway ko pa siya. Pero tinawanan lang niya ako kasama si Mommy. “Hi po. Ako nga po pala si Jon. Nice to meet you po, Tita Elen,” sambit naman ni Jon sa Tita ko ng makipagkamay ito. Mukhang maling pangalan pa ang nabanggit niya kaya mabilis ko siyang binulungan na “Elena” ang pangalan ni Tita at hindi “Elen.” Mabilis naman niyang nabawi iyon. Patango-tango naman ng ulo si Tita Elena habang nakikipag-kamay kay Jon. “You have a taste, Hija. I didn’t know you prefer tall, dark, and handsome. Good choice,” sabi pa ni Tita Elena sa akin matapos siyang makipagkamay kay Jon. Ikinapula iyon ng dalawang pisngi ko at mukhang hindi ko na kayang tingnan si Jon dahil sa hiya na nararamdaman ko. “And here’s CJ by the way,” pagpapakilala naman ni Tita Elena sa aming lahat sa matangkad na binatang kasama niya. “CJ, could you say hi to them or maybe hug them because they’re your true family,” dagdag pa ni Tita Elena. Walang saya na lumapit si CJ kay Mommy at yumakap dito. “Hi… M-Mom,” he said. Kahit ‘yong boses niya ay nag-iba na. Mas lalong naging masculine dahil sa pagbibinata. “My boy. My only boy,” iyon ang naririnig kong sabi ni Mommy habang yakap-yakap niya nang mahigpit si CJ. Ramdam ko ‘yong pagmamahal sa ina. Iyon ang ipinapadama ni Mommy kay CJ ngayon. I know she missed him so much. Kaya no’ng naluluha na si Mommy ay dinamayan naman siya ni Daddy. “Look at you, Son. Ang laki-laki mo na,” dagdag na saad pa ni Mommy kay CJ habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ng kapatid ko. Walang salita na ibinukang-bibig si CJ kay Mommy but I saw kung paano niya alisin ang mga kamay ni Mommy sa pisngi niya. Iyon kaagad ang nagpakunot ng aking noo. Pagkatapos kay Mommy ay humarap si CJ kay Daddy. Si Dad ang unang yumakap kay CJ nang mahigpit. Kitang-kita sa mukha ni Daddy na excited siyang mayakap ang bunso niyang anak. “My son, it’s good to see you again,” sabi ni Daddy sa kapatid ko. And this time, CJ looked at me. Tipid na ngumiti ako sa kanya at nagbabaka-sakali ako na makilala niya pa rin ako. Nagulat ako ng yumakap siya sa akin. And he said, “Hi, Ate.” Doon natunaw ang buong puso ko. ‘Yong memories naming dalawa ni CJ noong bata pa kami ay parang nanumbalik sa akin bigla. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaluha habang niyayakap niya ako. This time, hindi na ako nakapagtimpi pa sa nararamdaman ko. I hugged him tightly. Halos itungkod ko na ang hinlalaki ko sa kinatatayuan ko para lang mapantayan siya. Kahit na hanggang balikat niya lang ako ay gusto ko siyang mayakap nang mahigpit para maramdaman niya na ako pa rin ‘yong ate niya na palagi niyang kalaro noong mga bata pa kami; na ako pa rin ‘yong ate niya na laging nasa tabi niya para patahanin siya kapag umiiyak siya. Sorry kung hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa nararamdaman ko. Gusto ko lang kasi ipadama kay CJ na mahal na mahal ko pa rin siya kahit na matagal kaming hindi nagkita. I will never forget this special day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD