3. New Promise

3031 Words
Sofia Two minutes akong late sa unang klase ko today. Mabuti na lang wala pa ‘yong instructor na magtuturo sa amin nang dumating ako. Lecture namin sa Cryptogamic Botany. Major subject ko siya kasi I took BS in Biology major in Botany sa Philippine State College of Agriculture (PisCA). Third year college na ako at isang taon na lang ay ga-graduate na ako; kami pala ni Jon. Noon pa lang, I am fond with biological science. That is why I took this course kasi pangarap kong maging isang tanyag na biologist. Hindi naman ako nagsisi sa kursong kinuha ko kasi nage-excel naman ako, which my parents always became proud of me. Ma-swerte pa rin ako kasi sila ang naging magulang ko. Very supportive kasi sila sa akin when it comes to my dream in life. Jon took BS in Computer Science. Noong enrollment, he didn’t know what course he should take. Pero sa pagkakaalam ko, he wants to become a policeman. BS in Criminology sana ang kukunin niya pero wala sa PisCA ang course na iyon. Kung meron man ay nasa ibang satellite ng PisCA. Wala sa main, which is itong university na pinapasukan naming dalawa. At dahil may promise kami sa isa’t isa, hindi niya talaga ako iniwan. Pero sinabi ko na sa kanya noon pa na kung gusto niya talaga maging police, kukunin niya ang kursong iyon. Pero hindi talaga siya nakinig sa akin. Ayaw niya raw mahiwalay sa akin kaya nag-enroll siya sa main satellite ng PisCA kasama ako. Mukhang ‘di naman siya nagsisi sa course na kinuha niya. Nakikita ko naman na okay lang ang pag-aaral niya. But sometimes I tutor him sa mga subject na hindi niya naiintindihan. We always do that kasi kaming dalawa lang naman ang nagdadamayan when it comes to our studies. Pagkatapos nang first and second subject ko this morning, kaagad na akong lumabas sa department. Nakita ko kaagad si Jon na nasa labas at hinihintay niya ako. It’s already 10:03 in the morning. Mamayang 1 pm pa ang susunod kong klase. Pareho kami ni Jon. Kaya we always go to the fast food ng university para doon tumambay at kumain. Naglakad na lang kami papunta roon. Pagdating namin sa fast food, umu-order kaagad kami ng makakain. As usual, I prefer chicken sandwhich at spaghetti. Si Jon naman ay umo-order siya ng kanin at ulam dahil nagugutom daw siya. “Ako na ang magbabayad niyan,” he said no’ng kukuha na sana ako nang pera sa wallet ko. Napataas ang dalawa kong kilay. Tapos napangiti. “Galante ka ngayon, ah.” “Sweldo ko ngayon. Pangbawi man lang sa mga nililibre mo sa akin,” masaya pa niyang sabi. Mas lalo lang akong napangiti. He always does that. Kapag nakakakuha siya ng sweldo niya sa pagiging part time barista sa isang coffee shop na malapit lang din sa university ay lagi niya akong nililibre ng pagkain. Even I don’t want to, but he doesn’t even hesitate to do that for me. Lagi kong sinasabi sa kanya na ipunin na lang niya ang sweldo niya pangbayad sa tuition. Nakakapag-ipon naman siya pero gusto niya talaga na makabawi sa akin. Kaya hindi ko na lang siya pinipigilan sa gusto niya. I wanted to help him pero kagustuhan niya ang bumawi. “Okay. Thank you.” I shrugged my shoulder when I said this to him. Matapos naming makuha ang mga in-order naming pagkain, kaagad kaming naghanap ng vacant na lamesa at upuan. Mabuti na lang hindi pa lunch time at hindi pa masyadong puno ang fast food ng mga estudyante. So we decided to sit at the table na malapit sa glass panel ng fast food. Pangdalawahang tao lang iyon kaya okay kami roon. While we eat, nagkukuwentuhan kaming dalawa. As usual, we always talk about random stuffs that are nonsense to us. Until we arrive in talking about love life. May nakita kasi kaming mag-syota sa isang table, hindi kalayuan sa aming dalawa, na sobrang public-in-display sa ka-sweet-an. I don’t like that. Nandidiri ako sa totoo lang. Can they do that in private? “Bakit ganyan ang histura mo?” natatawang sabi ni Jon sa akin while watching those two birds smooching to each other. “Ngayon ka lang ba nakakita ng dalawang tao na naghahalikan?” Muli, sinabayan niya iyon nang mahinang pagtawa. “It’s so gross, you know,” nandidiri ko pang sagot. “Normal lang naman ‘yan sa dalawang taong nagmamahalan, eh. Puwera na lang kung bitter ka, ‘di ba?” he said. “Hindi ako bitter. At saka, what do you know about love? Eh, as far as I know, hindi ka pa nagkaka-girlfriend or wala ka pang nililigawan,” I said. There’s a part of me na parang may kirot akong naramdaman dahil sa sinabi kong n’yon. I don’t know kung ano ang ibig sabihin niyon. Doon siya biglang natahimik. I don’t know why. Pero napailing na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Now, I started to doubt him. Feeling ko ay may itinatago siya. “Are you okay? Joke lang naman ‘yon.” Nagkibit-balikat siya at mukhang may sasabihin yata siya sa akin pero nagdadalawang-isip siyang gawin iyon. Now I’m curious. Kinakabahan tuloy ako. “Hey! If you have something to say, spill it out,” sabi ko pa sa kanya. “W-What if sabihin ko sa iyong… m-may g-gusto akong l-ligawan, okay lang ba sa ‘yo?” Now he finally said it. At doon parang biglang narindi ako sa sinabi niya, and some point, parang nae-excite na natatakot ako sa sinasabi niya. “M-May gusto kang ligawan? You mean, may nagugustuhan ka?” I said while I’m trying to be happy kahit na nababahala ako sa mga susunod na sasabihin niya. Tumango siya ng ulo. Ibig sabihin ay oo, meron. May gusto siyang ligawan. “And who’s the lucky girl?” tanong ko, wishing that I am the one who is preferring to. Hindi siya sumagot. But I saw how he turned his eyes on the other side of the table, hindi roon sa mag-syota na patuloy pa rin sa kanilang ka-sweet-an, pero doon sa isang lamesa na may apat na babaeng masayang nagkukuwentuhan. Tumingin din ako sa tinitingnan niya and I saw the girl who he is looking. Sa apat na iyon, he is looking on a mestisa girl na hindi gaanong mapula ang labi. Maayos ang pagkakatali ng buhok nito, dahil na rin siguro sa kursong HRTM ang kinukuha nito, and also she’s wearing the uniform of an HRTM student kaya nalaman ko kaagad ang kurso ng babaeng iyon. And yes, he’s pretty for me and pretty for Jon’s eyes. Sa katunayan nga ay familiar sa akin ang babaeng iyon. She’s my classmate in Literature. Hindi ko lang siya masyadong nakakausap dahil floating schedule ako kapag Literature class na. Lahat ng mga kaklase ko sa Literature class ay puro mga 3rd year HRTM students. Muli kong binalingan ang tingin ko kay Jon. This time, I saw how his eyes sparkle when he’s still watching the girl. At doon ko napagtanto na may gusto nga siya sa babaeng iyon, na para bang ikinawasak iyon ng puso ko. After namin sa fast food, we decided to stay in Eco Park para magpahangin. Doon ko siya kinumpronta. “So she is the one you prefer to? ‘Yong gusto mong ligawan?” I asked na para bang nanay niya na tutol sa gusto ng anak. Katabi ko siya ngayon. I am busy doing my assignments habang siya ay nakahiga sa isang lamesa na gawa sa bato pero pininturahan lang na parang kahoy. Nakikinig din siya ng music gamit ang kanyang headset. Napatingin siya sa akin at napabangon siya sa pagkakahiga. Tinanggal niya ang kanyang headset sa tenga at bumuntong-hininga. “Si Angela. Matagal na akong may gusto sa kanya,” sabi niya sa akin na parang isang bata na ngayon lang sinabi sa ina ang lihim na matagal na nitong tinatago. “When?” I asked again. Nagsisimula na akong mabahala. “1st year. Nagkakilala kami no’ng freshmen orientation. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa iyo.” Yes, I remember that day. Hindi kami magkasama ni Jon sa freshmen orientation dahil nasa ibang grupo siya. Since we sorted in our different colleges, College of Arts and Sciences ako at College of Engineering siya, malabo talaga na hindi kami magkakasama. Ang partner college ng College of Arts and Sciences no’ng orientation na iyon ay ang College of Nursing. Ang partner college naman ng College of Engineering ay College of Business Management and Economics, which Angela has been belonged to dahil HRTM student siya. Every end of orientation sa PiCSA, lahat ng partner college ay hinahati ulit into a group. Each group contains 10 members at random iyon. Kaya halo-halo ang makikilala mo that time, hindi lang ang ka-course mate mo kundi ‘yong ibang student pa na hindi mo ka-course. That time siguro ay doon nagkakilala sina Jon at Angela. ‘Yon siguro ang ibig niyang sabihin sa akin. “Pero nagkausap na kayo?” masaya kong tanong sa kanya kahit deep inside ay malungkot talaga ako sa nalaman ko. Nakita kong tumango siya ng ulo. “No’ng freshmen orientation lang. Pero friends kami sa f*******:. Hindi ko nga ini-expect na ia-accept niya ang friend request ko, eh,” sagot niya sa akin habang nakangiti siya, reminiscing the moment he had had. “So three years mo na siyang ini-stalk?” Muli siyang tumango ng ulo sa tanong ko. “Three years ko na rin siyang gusto,” walang pagdadalawang-isip na sagot niya sa akin. Mas nasaktan pa yata ako sa sinabi niyang iyon. “Eh… b-bakit ayaw mo siyang lapitan? Magpakilala ka at ligawan mo siya,” ani ko. Itinungo ko ang ulo ko sa notebook na sinusulatan ko ngayon, and continue acting that I’m okay kahit sa kaloob-looban ko ay nagseselos ako ng lubusan. Tumawa si Jon. Umalis siya sa pagkakaupo niya sa lamesa at tumabi siya sa akin. “Sa tingin mo ba ay ganun lang kadali na manligaw sa babaeng hindi pa ako kilala?” May point siya. Kaya hindi na lang ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat roon at pinabayaan ko siyang magsalita sa tabi ko. “Iniisip ko lang kasi nitong mga nakaraang araw kung ano ang feeling na may girlfriend. Alam mo na, ‘yong may isang taong nandiyan para sa iyo. ‘Yong may isang taong pipiliin ka araw-araw, at ‘yong may isang taong mamahalin ka ng sobra sa inakala mo,” sabi pa ni Jon sa akin which I rolled my eyes unintentionally. Sa mga sinabi niyang iyon, lahat ng gusto niya ay parang ginawa ko na. Hindi niya lang napapansin. I loved him, yes. Nasa tabi niya ako palagi kapag gusto niya ng kasama o karamay sa buhay. Nasa tabi niya ako palagi dahil lagi ko siyang pinipili araw-araw. Nasa tabi niya ako palagi dahil gusto ko siyang makasama kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero lahat ng ito ay ako lang ang nakakaalam. Nakakainis lang dahil napaka-manhid ni Jon. Hindi ba niya talaga napapansin iyon? On second thought, mabuti na lang din na manhid siya. Kasi natatakot din ako na malaman niya ang totoo. Sabi ko nga, baka iyon pa ang magiging dahilan ng pagtatapos ng pagkakaibigan naming dalawa. So I prefer to keep it a secret dahil ayoko ring masaktan. Pero nasasaktan na ako, eh. Ngayon lang, nasasaktan na ako. Kasi may napupusuan si Jon. Hindi ako iyon kundi ibang babae. Akala ko pa naman ako. Umasa rin ako. Pero mukhang nasaktan pa ako dahil sa umaasa ako sa kanya. “Ikaw? Wala bang nanliligaw sa iyo?” narinig ko na lang na tanong sa akin ni Jon. Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya. Pilit na ngumiti ako at umiling bilang sagot. “Sa ganda mong ‘yan walang nanliligaw sa iyo?” sabi pa niya. Sa ganda kong ‘to, bakit hindi mo ako nagustuhan? “I prefer not to. Focus muna ako sa pag-aaral ko,” sabi ko kahit na uncomfortable ako sa topic namin ngayon. “Well, gusto mo nga pa lang maging isang successful na biologist someday,” sabi pa niya sa akin. Proud na proud pa siyang sabihin ‘yong salitang ‘biologist’ na para bang kay ganda pakinggan iyon. “Susuportahan kita riyan. Pero… promise mo sa akin, kapag may nanligaw sa iyo, ipakilala mo muna sa akin. Ako kikilatis sa lalaking ‘yon bago ang daddy mo.” Hmm… that is so sweet of him. Napapangiti na lang ako sa sinabi niya. That way, mukhang nasisiyahan naman ang puso ko. Pangbawi siguro kanina. “Pero wala talagang nanliligaw sa iyo?” tanong ulit sa akin ni Jon at some sort na parang kinukulit niya ako. “Lahat ng manliligaw ko noong high school ay inuupakan mo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala nang nanliligaw sa akin. Baka ‘di na ako mag-aasawa kasi lagi mo silang inuupakan,” pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa lang niya. “Siyempre. Ayoko kitang masaktan. Kung gusto mong mag-boyfriend, doon ka na sa lalaking matino, responsable, may pangarap sa buhay, at higit sa lahat, guwapo. Parang ako.” Pekeng tumawa ako. “Ha-Ha-Ha. Ba’t biglang humangin yata dito?” pamimilosopo ko sa kanya na mas ikinatawa niya. “Biro lang haha.” And then bumalik ulit siya sa pagiging seryoso niya. “Pero seryoso ako. Ayoko kitang masaktan nang dahil lang sa lalaki. Kaya kapag may nanligaw sa iyo, sabihan mo kaagad ako at ako ang unang kikilatis sa kanya kung bagay ba kayo.” “Mas strikto ka pa kaysa kay Daddy.” “Siyempre… kaibigan mo ko. Special ka sa buhay ko. Kaya ayoko talaga na nasasaktan ka. Teka! Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Hindi mo pa sinasabi sa akin.” Napabuntong-hiningi ako sa sinabi niya at saka ako tumingin sa kanya. Kung tatanungin ako ng ganyan, ang sagot ko ay nasa sa kanya na. Lahat ng katangian na gusto ko sa lalaki ay na kay Jon na. Why would I enumerate them all? Umiling na lang ako kay Jon at hindi sumagot. “Walang reply?” he asked. “Mukhang tatanda ka na talaga niyan. Tatanda kang walang boyfriend hanggang 30.” Napairap ako sa biro niya. Tapos bigla-bigla na lang dumulas sa dila ko ‘yong salitang hindi ko dapat sasabihin pero nasa isipan ko palagi noon pa man. “Kaya nga plano ko kapag tumuntong ako ng 30 ay ikaw ang papakasalan ko.” Huli na yata para bawiin ko ang sinabi kong iyon. Kasi mukhang narinig iyon ni Jon at natawa siya ng malakas dahil do’n. “Nagbibiro ka ba? Haha! Ba’t naman ako ang gusto mong pakasalan kapag tumuntong ka ng 30?” “Eh… alam mo na… w-walang nanliligaw sa akin. Saka kung wala talaga, ikaw na lang. At least, panatag na ako kasi mabuti kang lalaki at tao.” Natatawa pa rin siya sa sinabi ko. Napangiwi na lang ako kasi mukhang nakaka-offend ‘yong pagtawa niyang iyon. Pero seryoso talaga ako sa sinabi ko. Nang makita niyang hindi ako natatawa at seryoso ako, doon humina ang pagtawa niya at nakakaramdam siya ng awkward sa akin. And he said, “Seryoso ka sa sinasabi mo?” “Mukhang ba akong nagbibiro?” sagot ko sa kanya. “You know how Dad was very fond of you, Jon. To think that he wanted you to become my husband and he wanted you to become his son-in-law someday. It’s kind of annoying though. Pero hinahayaan ko na lang si Dad. Para tumigil na siya sa kakapilit niya sa akin para sa iyo, I told him that we made a promise na kapag tumuntong ako sa 30 at hindi pa ako nakakahanap ng mapapangasawa, I will marry you instead. This time, Dad was very excited na mag-30 years old na ako,” natawa ako sa sinabi kong iyon na siyang ikinatawa naman ni Jon, “which I don’t blame him kasi gusto ka niya para sa akin.” “Si Tito talaga, oh,” sabi na lang ni Jon habang napapailing na natatawa sa pagkukuwento ko. “Well… kung iyan ang gusto ni Tito… hindi ko siya tututulan. Sige. I will promise to you. Kapag tumuntong ka ng 30, hindi ako magdadalawang-isip na pakasalan kita. Pangako ko sa iyo iyan.” Parang sumaya bigla ang puso ko sa sinabi niyang iyon. He told me a promise again, same that day that he never leave me on my side noong mga bata pa kami, which he never broke that promise until now. Mukhang excited na yata akong mag-30 years old. Now I know how my Dad felt. But at some point, parang ang daya naman yata ng bagong pangako niya o naming dalawa. Kasi parang gumagawa lang ako ng advantage para mapasaakin siya in an allotted time. Para bang naka-arrange marriage na kaming dalawa which is not a good thing. Alam ko na mahal din ako ni Jon, pero bilang kaibigan lang. Alam ko iyan dahil nararamdaman ko iyan sa kanya. But I don’t want to force him na pakasalan ako just for the sake of our promise. Lalo na kung hindi niya talaga ako mahal beyond from being friend. Kaya naisip ko na gumawa ng paraan para hindi mangyari ‘yong bagong promise naming dalawa sa isa’t isa. Dito, nagsalita ako sa kanya. “Not anymore,” I said habang nakangiti ako kay Jon. Naguguluhan naman siyang nakatingin sa akin. “Ha?” Tumayo ako sa pagkakaupo ko at humarap sa kanya. “Hindi ko pa yata nasasabi sa iyo na classmate ko si Angela sa Literature. Maybe I could introduce you to her para sa ganoon magka-girlfriend ka na.” Nagulat siya sa sinabi ko. Bigla siyang napatayo at masayang-masaya siyang niyakap ako nang mahigpit. “Yes! Gusto ko ‘yan! Maraming salamat! Kaibigan talaga kita!” excited na excited pa niyang sabi sa akin na para bang kay bilis niyang kinalimutan ‘yong bagong pangako niya sa akin. Nagsisisi tuloy ako sa sinabi kong iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD