Chapter 25

1026 Words
"I'm sorry, it wasn't my intention to offend you." Hindi ko rin alam kung bakit ba bigla na lang ginusto kong matunaw na parang ice cream kanina. I smiled at him and shook hands signifying our truce. "I understood that Kuya Driver far from being a pro and you didn't want that to happen." Tumnago lang siya at may inabot sa akin na bag ng potato chips. "That's not crushed. I guarantee you. " I was about to thank him nang pumagitna sa amin si Ash. "Tabi, lovebirds." "Sage bakit ang dami mong dalang luggage eh tatlong araw lang naman tayo rito?" Mga tatlo luggage kasi ang hinila niya. "Bakit hindi mo tanungin 'yang baliw mong roommate?" Hingal kabayo niyang pinasok ang mga bagahe sa loob ng aming kwarto. "I think you need this." Inabutan ko siya ng canned mango juice na aking ibinaon. "Thank you." Nang maipasok na ni Ash ang mga gamit ay kaagad naman silang nagpaalam samantalag ako naman ay nagpatalon talon sa kama upang subukin kong gaano kalambot ang aking hihigaan sa loob ng dalawang araw. ---- Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura kung kaya't marahan pa akong bumangon upang hindi magising si Erin ngunit napansin kong wala siya. Dumiretso ako sa kusina upang magluto ng ramen at nakita kong isinakatuparan ni Erin ang aking plano. Umuusok pa ang kaldero kung saan pinakuluan niya ang instant ramen. "Uy kain tayo," pabulong niyang sabi. Binuhat ko naman ang bangko upang hindi kumiskis ang mga paa nito sa sahig. Then kumuha ako ng bowl at chopsticks and served myself. "Good thing I didn't need to wake you up. I need help preparing what they will need for the training." Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinaglutuan at pinagkainan ay naglagay ako ng tubg sa ice trays at pinasok ito sa freezer section. Sa ibaba naman ay isinalansan ko ang mga water bottles, energy drinks at fruit drinks sa fridge. Hindi pa natatapos riyan dahil tinupi namin lahat ng towels at ipinasok ito sa tatlong duffel bags kasama ng ibang essentials kagaya ng sunscreen. At around five in the morning, ay nagsibababaan na ang mga boys para sa kanilang morning jog. Napakunot ako ng noo dahil sabi ni kuya ay kasama raw kami sa training. "Exercise is good for you girls." Hindi na ako nagprotesta at nagpalit ako ng proper attire for a morning jog. At katulad ng aking inasahan ay nangulelat kami ni Erin. Palagi kaming nahuhuli sa mga swimmers. Wala pang limang minuto ang basang basa na ng aking pawis ang aking T-shirt. Mabuti na lamang at nakakain ako ng instant ramen. Lumipas ang ilang minuto na ang naging cycle ng aking morning jog ay ang tumkbo, humingal, tumigil nang ilang segundo at tumakbong muli. Nang lingunin ko si Erin ay nakasampa siya sa likuran ni Blake. Nang makita ito ng coach namin ay bigla silang pinituhan at walang nagawa si Erin. At dahil roon ay kailangan naming tumakbo for another thirty minutes bilang parusa. Nang mga panahong iyon ay wala akong inisip kundi ang ilatag ang aking bugbog at hapong katawan sa kama. Medyo parang umiikot na rin ang paligid ko habang tumatakbo. Mabuti na lamang at may earphone ako kaya't kahit papaano ay nagaganahan akong mag-exercise. At tama nga ako nang ginawa. Kapag hindi mo binabantayan ang oras hindi ka maiinip. Inakala kong makakapaghintay ako hanggang makabalik kami sa aming accomodation ngunit nagkamali ako ng pagkalkula. Parang lantang gulay na nanlambot ang aking katawan dahilan para mapahiga na lang ako sa gilid ng kalsada. Wala akong pakialam kung madumihan ako dahil hindi ko na mabuhat ang aking sarili. Para bang bigla na lang siyang bumigat nang hindi ko namamalayan. Lumapit sa akin si Ash at tinanong niya akong kung okay lang ako. Usually, nagpapaka-independent woman ako sa mga ganitong bagay but today was an exception. I thought I'm gonna die. "I'll carry you to the van." Tumango na lamang ako sa pinagsasabi niya dahil wala na akong energy na gawin ang kahit anong bagay sa lagay kong ito. Abot langit ang aking ngiti nang makabalik kami sa accomodation. Ipinatong muna ako ni Ash sa may sofa at ready na sana akong maidlip nang maamoy ko ang pagkain na mula sa dining area. "Pagkain lang pala ang makakapagpabangon kay Ate." saad ni Yves. Matapos naming mag-breakfast ay sinabihan kami ni Kuya na magpahinga muna para sa afternoon practice. Sinamantala ko ang pagkakataon upang maligo at matulog. Ni hindi ko na na-update si Mama sa sobrang pagod ko. Ganun rin si Erin dahil kahit kaming dalawa ay wala nang ganang makipagkuwentuhan. Ini-alarm ko ang aking phone isang oras bago mag-start ang practice para may panahon pa akong makakain. Lahat kami ay nagtungo sa pinakamalapit na recreation area na may pool na puwede naming magamit. Pagkapasok pa lang namin ng gusali ay kitang-kita ang ngiti sa tatlo nang salubungin kami ng grupo ng mga lalaki. Nagkatinginan lang kami. Based on how they react towards these men, they might be his former swimming teammates. "Uy, balita ko may girlfriend ka na Ash! Sinama mo ba siya rito?" tanong nang lalaking may hikaw sa kanyang kanag tenga. Bakit nga ba hindi namin tinapos ang pagpapanggap the moment nang makulong si Roger? Nilapitan ako ni Ash at binulungan "Could you please act like usual for my friends?" Naisip kong wala namang mawawala sa aming parehas kung ipagpapatuloy namin ang pagpapanggap kung kaya't tumango ako sa kanya. "She's Minnie, my girlfriend." At feeling ko dumangundong ang buong building sa sigawan at talunan ng mga lalaki. Isa-isa nilang pinakilala ang kanilang mga sarili ngunit nakalimutan ko rin ang kanilang mga pangalan. Ang tanging detalyeng aking nantandaan ay sila ang mga classmates ng tatlo mula elementary hanggang high school. Halos mahilo na ako sa mga tanong nila tungkol sa aming relationship. At hindi pa diyan natapos ang aking kalbaryo. Mas lalo nila akong hindi tinatanan nang malaman nila kung sino ang Uncle ko. "Puwede ba kaming magkapagpa- autograpgh sa kanya?" "Let's see sa ngayon busy siya sa..." Hindi ko na natapos ang aking nais sabihin dahil tumayo sila at pinaligiran ang aking Uncle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD