"Here. Kailangang mainitan ang sikmura mo."
Iniabot sa akin ni Kuya Clint ang sytro cup ng hot chocolate na binuhos niya mula sa thermos flask niya.
Hindi pa nga ako nakakahigop ay bigla na naman siyang humirit.
"Be careful, baka mapaso labi mo."
I nodded at saka hinihipan ang umuusok pang inumin.
Nanlaki ang aking mga mata nang matikman ang inumin. Akala ko it was just an ordinary chocolate drink, pero infused siya with another flavor. There's a hint of orange in it.
"Ang sarap no? Si Lola ko ang may gawa niyan."
Napa-thumbs ako.
Nang masigurado namin na kumpleto na kami ay nagdasal muna kami bago simulan ang biyahe.
Hindi naman ako na-bored dahil ang dami naming pinagkukuwentuhan ni Erin samantalang 'yung mga boys ay busy lang sa paglalaro ng mobile game sa likod.
Mga eleven thirty ng umaga nang biglang sinabi ng driver namin na may five- minute bathroom break daw kami.
Nag-stop over kami sa may built in bathroom sa may highway.
Ngunit bago ako bumaba ng van ay kinuha ko muna ang aking folding umbrella dahil tirik na tirik ang araw nang mga panahong iyon. Ayaw ko namang masunog nang wala sa oras kahit na nag-apply ako ng sunscreen.
Tama nga ang aking desisyon dahil pagkatapak pa lang namin sa nagbabagang aspalto ay barang sinusunog na ang sneakers ko. Napatanong si Erin kung nasa Pilipinas pa ba kami or nasa boundary na kami ng purgatoryo.
Patakbo kaming nagtungo sa CR dahil may lilim doon. Kaso, bigla na lang humangin nang malakas kung kaya't napapikit ako dahil ayaw kong mapuwing. Wala akong nagawa nang nilipad ang aking payong. Dapat pala ay nagmadali na akong itiklop ang aking umbrella.
Tinanggap ko na wala akong magagawa kung kaya't dumiretso na kami ni Erin. At hindi ako nagtaka kung bakit napakahaba ng pila sa women's bathroom.
"Oh, what do we have here?"
The girls in front of us giggled at the sight of Erin.
"Hi, girls! How are you?"
The girl with blonde hair crossed her arms and said, "We're doing fine, especially when you're out of the scene."
Four other girls giggled at us.
Erin eyed her from head to toe. "Good for you, Penelope. I hope you perfected the Arabian Double Layout. You know Sir Gavin's a perfectionist.
That's when color left on Penelope's face. She stomped her feet at umalis na sila sa pila ng mga minions niya.
Nilingon niya ako at saka sinabing "See that? That's the way para paiklin ang pila!"
Being a supprotive friend ay pinalakpakan ko siya. I didn't want to pry into her past endeavor kasi ayaw kong ipaalala sa kanya 'yung painful memories kung kaya't tinanong ko na lang siya kung kailan pa ba kami makakaihi.
Nang mga apat na tao na lang ang nasa harapan namin bago kami makagamit sa CR, ay may nangalabit sa aking balikat.
"Miss, sa iyo 'yata ito."
Paglingon ko ay may isang lalaking nakangiti sa akin hawak ang payong. Iniabot niya ito sa akin at saka ko naman binuklat para i-check kung akin nga. Kasi lagi kong nilalagayan ng initials ko ang aking mga gamit katulad ng payong just in case na may kapareha ako ay hindi ako malito.
"Thank you." nakangiti kong sabi at pumasok na ako sa CR dahil it's my turn na pala.
Sabay kaming pumasok sa cubicle ni Erin ngunit paglabas ko ay wala na siya kung kaya't dumiretso na lang ako sa van.
Pero pagpasok ko ng van ay naiba na ang posisyon. Nakatabi ko na si Ash.
Naningkit ang aking mga mata nang makita kong nag-message sa akin si Erin.
"Girl, you did the right thing back there."
"What right thing?"
Sa halip na sagutin ako ay nagpatuloy siya sa pag-ta-type.
"No, you wouldn't understand. That guy's bad for you, for us."
And that explained her deathly glare earlier.
"Who is that man?"
"You'll see at the district meet. All I could say for now is to avoid him at all costs."
"Noted."
Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang ipinasok sa bag ko ang aking phone nang mapansin ko na ang ulo ni Ash at malapit na sa akin.
"You're jumpy. Are you hungry?"
Umiling lamang ako.
Upang makalimutan ang mga taong hindi ko naman dapat pinagtutuunan ng pansin ay natulog na lamang ako tutal mga dalawang oras pa naman ang layo namin mula La Union. Isa pa, bumigat na ang talukap ng aking mga mata.
Nagising na lamang ako nang bigla na lang prumeno si Kuyang driver.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko kanino ako nakasandal. Muli ako napapikit sa kahihiyan. Naku, sana hindi ako tulo- laway kanina. Pinunasan ko pa ang gilid ng aking bibig at mabuti na lamang at tuyo ito.
Marahan kung binuksan ang zipper ng aking bag para kunin ang honey flavored potato chip. Napahigpit ako ng hawag sa chip bag nang bigla na lang humingi si Ash sa pabulong na boses. Nangingilid na ang mga luha sa aking mata dahil durog na ang ilang piraso.
"Don't fret. It's still food. If you don't like it, I will gladly accept your leftovers."
Ano siya sinuswerte?
Ready na akong makipagbardagulan. I even stretch my arms ngunit nanghingi rin ng snack 'yung bunso namin.
At para bang pinagttritripan kami ni Manong Driver dahil bigla na lamang siyang lumiko dahilan upang gumulong lahat ng mga pasahero sa kanyang van.
I froze when someone's lips pressed on my left cheek. I glanced at my friends and even their jaw dropped.
Binasag lang ni Yves ang katahimikan.
"Wow! That's smooth, Kuya Ash!"
Napatingin na lang ako sa bintana during the duration of the trip samantalang si Erin naman ay sinermunan si Kuya Driver. Tinanong niya muna kung ilang taon na ba ito sa kanyang propesyon at doon naming napag-alamamn na wala pang isang taon magmula nang maging driver siya.
"Kuya, gusto niyo ako na lang po ang mag-drive, mukhang pagod na po kasi kayo eh."
Si Kuya Clint naman ay pinandilatan siya kung kaya't napakatahimik na ng biyahe namin hanggang sa makapag-check in na kami sa hotel.
Bago ako pumasok sa assigned room namin ni Erin ay nagulat na lang ako nang magpresinta si Ash na buhatin ang baggage ko.