#LivingWithYou CHAPTER 32 Nasa cafeteria ngayon si Bryan kasama si Yumi. Magkatapat ang inuupuan nila sa isang mesa na nasa bandang kaliwa nakapwesto. Humiwalay muna si Bryan sa mga kaibigan at si Yumi ang kanyang sinamahan. Napapatingin si Yumi kay Bryan. Pansin niya ang pagiging tulala nito habang kinakagat at kinakain ang hamburger na binili nila kanina sa counter. “Ok ka lang ba?” tanong ni Yumi kay Bryan. Naputol naman ang malalim na iniisip ni Bryan at napatingin siya kay Yumi. Nag-aalangang napangiti ito saka tumango-tango. “Okay lang ako,” sagot nito. “Pero parang hindi,” sabi ni Yumi. “May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin at baka makatulong ako.” Napailing-iling si Bryan. “Wala. Iniisip ko lang kasi ang prelims. Malapit na ka

