CHAPTER 31

1174 Words

#LivingWithYou CHAPTER 31     Pabalik-balik sa paglalakad si Bryan sa loob ng kanyang kwarto. Hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina sa pagitan nila ni Eros.   Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Hindi niya akalain na magagawa nitong halikan siya gayong isa siyang lalaki kagaya nito.     “Bakit niya iyon ginawa? Pinaglalaruan niya ba ako?” magkasunod na tanong ni Bryan sa kanyang sarili.     Maaaring ganun na nga. Lagi siya nitong inaasar at kanina nga ay pinagtripan pa siya pero grabeng trip naman ang ginawa nito para magawa nitong halikan ang labi niya ng wala siyang permiso.     Napahinto sa paglalakad si Bryan. Tumingin siya sa bintana. Mataas na ang buwan sa kalangitan at nagliliwanag ito. Napabuntong-hinin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD