#LivingWithYou CHAPTER 30 Nasa kusina si Bryan. Abala siya sa paghuhugas ng pinagkainan nila ni Eros. Napatigil sa paghuhugas si Bryan at napalingon sa labas ng kusina. Nangunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. “May tumutugtog ng gitara?” tanong nito sa sarili. Naririnig niya kasi mula dito sa kusina ang tugtog ng gitara. Hindi niya maikakaila na may angking ganda ang tunog na nililikha nito at masasabi niyang mat talento ang siyang tumutugtog. “Hindi kaya... si Eros ang tumutugtog?” tanong nito sa sarili. Wala naman kasing ibang gagawa nun kundi ito lang. Nandito siya sa kusina at may ginagawa at si Eros lang naman ang kasama niya dito sa bahay kaya posibleng ito nga. “Ibig sabihin... marunong pala siyang tumugtog,” sabi pa nito sa sarili. Napabunton

