#LivingWithYou CHAPTER 29 Magkasabay na umuwi ng bahay sila Bryan at Eros. Nauunang maglakad si Eros at nakasunod sa kanya si Bryan. Ayaw sana niyang sumabay na umuwi dito ang kaso ay wala naman siyang idadahilan ngayon kung sakaling gustuhin man niyang hindi sumabay. Mamaya tuluyan na talaga nitong isipin na umiiwas nga lang siya rito. Huminto sa paglalakad si Eros kaya napahinto rin si Bryan. Hinarap ni Eros si Bryan at mataman itong tiningnan. “Tayong dalawa lang ang nandito sa bahay at natatandaan mo naman siguro ang mga binilin ni Mama,” sabi ni Eros. Walang gana na tumango-tango si Bryan. “Pagkatapos mong magbihis ay magluto ka na ng kakainin natin. Nagugutom na ako,” utos ni Eros. Tinalikuran si Bryan saka muling naglakad papunta sa hagdanan. Napasi

