"Good morning," paunang bati sa akin ni Melvin nang magmulat ako ng mata. Siya kaagad ang nabungaran ko dahil sa magkaharap naming posisyon. Nanlalabo pa ang mga mata ko sa kadahilanang kagigising ko lang ngunit hindi nakawala sa paningin ko ang magandang pagkakangiti ni Melvin. Pakiramdam ko rin ay parang may nakadagan sa akin na kung anong mabigat na bagay na hindi ko maigalaw ang katawan, kaya mas pinili kong manatili sa ganoong pwesto kung saan kitang-kita ko ang paninitig niya sa akin. Napangiti ako. "Good morning din, Daddy." Sa sinabi ko ay mahinang natawa si Melvin, nagawa pa nitong pisilin ang ilong ko dahilan para mapangiwi ako. Kapagkuwan ay hinalikan ang noo ko, pababa sa tungki ng ilong ko at pababa pa lalo sa nakaawang kong labi. Nang humiwalay ito ay nasilayan ko kung g

