Kinabukasan nang magising ako sa tunog ng alarm clock, aktibo akong napabangon sa pagkakahiga ko at kaagad na napamulagat. Tangkang tatayo pa ako nang mapahinto rin, huli ko nang naisip na linggo pala ngayong araw. It's my restday. Ibig sabihin ay hindi ko makikita si Melvin. Wala sa sariling nasapo ko ang noo, sa sobrang saya ko ay inspired ako palagi gumising sa tuwing umaga. Umalpas ang mumunting pagtawa ko, bago nailing-iling sa kawalan. Wala kaming naging usapan ni Melvin kahapon, kaya wala akong ine-expect na lakad namin ngayon. Napabuntong hininga ako, kapagkuwan ay humaba ang sariling labi. Hindi na ako bumalik sa pagkakahiga ko at minabuting maligo na lang. Saan kaya ako pwedeng pumunta ngayon, hmm? Kay Vanessa? Nabanggit niya sa aking mayroon siyang bar, iyon nga lang ay mamay

