"Sir M, may nakalimutan pala ako—" Dinig kong boses ni Drew, kasabay nang malakas na pagbukas ng pintuan. Kaagad din naman niyang nalunok ang sariling dila nang matagpuan kami sa ganoong ayos, rason din upang dali-dali akong kumawala mula sa pagkakayapos ni Melvin. Kamuntikan pa akong matumba nang ma-out of balance ako. Mabuti ay naging maagap si Melvin, kahit papaano ay nahawakan nito ang kamay ko at ipinirmi sa pagkakatayo ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko, lalo sa katotohanang nandito ngayon si Drew at nakita kami sa ganoong kalagayan. Malakas akong tumikhim, ayoko man din sanang lingunin si Drew ay nagkusa na ang leeg kong balingan ito. Nakita ko pa ang pag-iwas nito ng tingin habang kamot-kamot ang kaniyang batok dala rin ng kahihiyan. "My bad," aniya na hindi mapakali ang dalawang

