Para sa kaniya ay hindi na niya kailangan pa ang validity ng ibang tao para gawin nito ang isang bagay. Lumaki siyang independent, kagaya ko ay may sarili rin itong desisyon sa buhay. Kaya walang saysay ang opinsyon ko sa kaniya. Ganoon din kung sabihin man niya o hindi sa akin ang lahat, magpaliwanag man siya ay hindi ko din kayang intindihin. Nauna na nitong wasakin ang tiwala ko sa kaniya, tingin ko ay hindi ko na kayang tanggapin ang kung ano mang paliwanag niya. "Malay mo naman, iyong akala mong peke at pagpapanggap niya ay totoo. Nasa iyo naman iyon 'di ba? Mararamdaman mo naman iyon, ikaw mismo ang makakakita no'n, Chloe. Ikaw ang unang makakaalam kung alin ang totoo sa hindi sa pagkatao ni Melvin, ikaw ang mas nakakakilala sa kaniya," mahabang pahayag ni Mommy, kasabay nang pagla

