Chapter 66: Chloe

2121 Words

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka naman gwapo, para kang daga!" singhal ni Elsa kung kaya ay malakas kaming natawa ni Trevor. Tangka pang magsasalita si Andrew nang batuhin siya ni Marvin ng bote ng softdrinks na wala ng laman. Mabuti at hindi iyon tumama sa mukha ni Drew, pero tama lang para patahimikin ito. "Sinong nagsabing awayin mo 'yang si Elsa?" baritonong banggit nito, pagkakataon iyon ni Elsa para mapanganga. Nagtaas ako ng kilay, nasa likuran namin ito ni Trevor, kaya madali ko lang makita ang mukha niya. Katulad ng una kong pagkakakilanlan sa kaniya ay happy go lucky pa rin ito, tila ba kayang-kaya nitong sabayan ang kabaliwan nina Elsa at Jinky. Hindi na nakaimik si Drew at tanging pag-peace sign na lang ang nagawa habang peke pang ngumiti. Samantala ay hindi naman mawala-wa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD