"Of all the greetings, yours is my favorite, Chloe." Iyan ang namayani sa pandinig ko hanggang sa makauwi ako sa bahay, inihatid ako kanina ni Melvin at kaagad ding umalis dahil naiwan pa ang mga kaibigan niya sa bahay nito. Sa kadahilanang ako lang ang mag-isang babaeng naroon ay hindi ito sang-ayon. Mas gusto nitong malayo ako dahil kapag nangyaring nalasing silang magkakaibigan ay baka hindi na raw niya ako maasikaso. Ayaw din nito sa katotohanan na baka pagpiyestahan lang ako, lalo pa at iinom sila ng alak. Isa pa ay ayaw din niyang malaman ng parents ko na nasa bahay ako ng isang lalaki at purong lalaki ang mga kasama. Ayaw nitong pag-isipan siya ng masama, paano na lang daw kapag nagpunta siya sa bahay? Ano na lang ang mukhang maihaharap nito kina Mommy at Daddy gayong nasira na

