"Anak ng tipaklong naman, oh!" singhal ni Andrew sa kawalan, kasabay nang malakas niyang paghampas sa pinto gamit ang dalawa nitong kamay. "Buksan niyo 'to, ano ba!" Samantala ay tamad naman akong naupo sa isang single sofa, bago ito maiging pinagmasdan. Kanina pang hapon ako nagsimulang uminom, kaya wala na ako sa tamang huwisyo para makapalag pa kanina. Ang pangit ng idea na magkakasama kami ni Drew sa iisang kwarto. Honestly, hindi ko naman gusto ngunit hinayaan ko na lang din na mangyari, besides— kailangan din naming mag-usap ni Drew. Sa nagdaang araw ay naging malupit siya sa akin, iyong tipong wala naman akong ginagawa ay siya namang sungit nito. Kung hindi ko lang din napatunayan na lalaki siya ay baka noon ko pa ito napagkamalang bakla. Mapait akong napangiti, bago isinandal a

