Chapter 72: Chloe

2113 Words

Hindi ko na alam kung paano pa ako iiyak, basang-basa na ang pisngi ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Kalaunan nang hapitin ko ang mukha ni Melvin, nanginginig man din ang mga kamay ay nagawa ko iyong haplusin. "Ba—bakit ngayon mo lang 'to si—sinabi, huh? Bakit ngayon lang, M—Melvin? Bakit ngayon lang?" frustrated kong mga tanong, kasi hindi ko matanggap na ang tagal niyang itinago sa akin ito na bukod pa sa panloloko nito ay mayroon pa palang mas malalim na dahilan. "Natatakot ako— natatakot ako. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, Chloe. Hindi mo alam na buong buhay ko ay inilaan ko sa 'yo, kaya natatakot ako. Takot na takot ako na kapag nalaman mo, o sinabi ko ay layuan mo ako. Natatakot ako na baka hindi mo ako matanggap." "Hindi ka naniniwala na mahal kita? A—alam mo ba, hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD