Magpaliwanag man din siya ngayon ay hindi naman na nito mababago iyong reyalisasyong una na niya akong nasaktan. Binigo na ako nito, nasira na rin ang tiwala ko sa kaniya. Kaya hindi ko alam kung sa puntong ito ay dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Like, para saan pa 'di ba? Para ba sa ikalulubag ng konsensya nito? Para luminis ang kaluluwa niya at masabing nagpaliwang siya sa akin? Hindi ko alam, pakiramdam ko ay hindi ko rin kakayanin kung ano man ang sasabihin niya. Wala pa man ay kinakabahan na ako, wala pa mang salita ay natatakot na ako. Hindi pa man bumubuka ang labi nito ay pinangungunahan na ako ng mga emosyon ko na hindi ko na rin mawari kung ano na ang uunahin ko. Gaano ko pa man din kagustong tumakbo at layasan ito ay wala akong ginawa. Nananatili akong nakatingin sa kaniya,

