Kung kukunin man nga ako ni Lord, sana ay ngayon na. Gusto ko na lang maglaho bigla na parang bula at mawala sa harapan ni Melvin. Sa ginawa nito ay bulgar na nanlalaki ang dalawang mata ko. Mas lalo lang ding umawang ang labi ko habang maang na pinagmamasdan ang mukha niya. Wala akong ibang maramdaman kung 'di ang pagpintig ng puso ko. Masyado iyong malakas na halos mabingi ako. Hindi ko magawang marinig ang iba, pakiramdam ko pa ay saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo at kami na lang ni Melvin ang natitira— siya na lang iyong nakikita ko ngayon habang dama ko ang tila pag-slow motion ng palagid. What was that? Gusto kong hanapin sa emosyon niya kung bakit nito iyon ginawa. Bakit niya ako hinalikan? Tingin ba nito ay libre lang ang halik sa akin? Hindi. Kung kaakibat naman nito ay a

