Chapter 60: Chloe

2116 Words

"Ako si Blossom," anang Elsa habang nangingiti pa sa kawalan. "Kasi ako ang leader sa ating tatlo, okay ba sa inyo 'yon?" "Okay. Ako naman si Bubbles." Dinig kong dugtong ni Jinky. Nang malingunan ito ay nakita kong nakasubsob na ito sa lamesa sa kung nasaan kaming tatlo. Humagikhik pa ito, kasabay nang pag-apir nila ni Elsa na animo'y nagkasundo sa sinabi nilang iyon. "So, ako si Buttercup?" maang kong pagtatanong, bago itinuro ang sarili. Bumagsak ang panga ko, hindi makapaniwala na pinagmamasdan ang dalawa na siyang magkasabay pang tumango bilang pagsang-ayon. Teka, baliw ba sila? Hindi naman ako mukhang lalaki para maging si Buttercup. Imbes na makipagtalo pa ay inungasan ko na lang ang dalawa, pasalamat sila at tinulungan nila ako kanina sa babaeng tumulak sa akin kasama ng mga k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD