Chapter 61: Chloe

2115 Words

Kinaumagahan nang magising ako na animo'y bagong silang sa mundo sa kadahilanang wala akong maalala. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Wala sa sariling nasapo ko ang ulo ko nang kumirot iyon. Ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya minsan ay ayokong napaparami ang inom ko dahil ito ang nagiging epekto sa akin. Kung hindi mukhang may amnesia ay nagmistulang akong matandang may alzheimer's disease. Mariin kong hinilot ang sentido ko. Pilit ko pang inaalala ang mga nangyari, lalo kung bakit ang sakit ng katawan ko ngayon. Ang naalala ko lang simula kahapon ay noong nagpunta ako sa Dela Vega Publishing House. Kung saan nagpasa ako ng resignation letter. Umuwi akong luhaan at galit kay Melvin, saka ko naman pinaunlakan ang paanyaya nina Jinky at Elsa kagabi na magpunta ng disco bar para makapagliw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD