Bandang alas singko nang makapag-out ako sa Dela Vega Publishing House, hindi na ako nagpahatid kay Drew kahit pa na nag-insists siyang sumabay ako sa kotse nito. Ayoko lang din kasi na maabala ito, lalo at pareho kaming pagod kanina sa magdamag na trabaho. Marahil ay iyon din ang utos sa kaniya ni Melvin, kasi hindi naman gagawin ni Drew ang isang bagay kung hindi sinasabi ng boss nito. Kibit ang balikat kong napasandal sa bintana ng bus na nasakyan ko. Pinili kong umuwi na lang, gaano man din ako inuudyo ng isip ko na puntahan si Melvin ay hindi ko ginawa. Malamang din naman ay wala na iyon sa Dela Vega International Airport, kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kung pagod ito ngayon, ayoko na lang din dumagdag. Wala sa sariling napalabi ako habang tahimik na pinagmamasdan ang mga

