Huminga ako nang malalim, sa nangyaring iyon ay parang nabahag ang buntot ko. Literal na nawala iyong pagka-warfreak ko, wala akong ibang ginawa kung 'di palampasin iyon at isawalang bahala. Hindi ko nakilala ang sarili na napanghihinaan ng loob dahil sa totoo lang, hindi ako iyong tipo ng babae na mabilis sumuko. Nakalakihan ko na kapag may isang bagay akong gustong makuha ay ginagawa ko ang lahat. Maski kapag may gusto akong malaman, ano pa man iyan ay hindi hadlang sa akin para alamin ang hindi ko alam. Pero ngayon? Sa isang iglap, nawala iyong katapangan ko. Nawala iyong lakas ng loob ko na binuo ko sa tanang buhay ko. Ramdam ko iyong panghihina ko, iyong takot ko sa mga bagay na posibleng mangyari. Naduduwag ako kay Melvin na parang dati lang ay ako iyong malakas na mam-bully at si

