Punung-puno ng galit ang katauhan ko ngayon, ramdam ko ang panggigigil ko nang isa pang suntok ang iginawad ko sa kaniya kung kaya ay tuluyan itong napahiga. Narinig ko ang pagdaing nito, saka pa pilit ang sarili na makatayo. Wala pa sa huwisyo nang kunin ko ang dos por dos na siyang nabitawan niya. Nakita nito iyon, rason para maagap siyang gumapang ngunit kaagad ko ring inihampas iyon sa ulo niya para naman maramdaman nito kung ano ang ipinaranas niya kay Melvin. Nang hindi pa matuwa ay pumaibabaw ako sa nakahiga nitong katawan, kapagkuwan ay hinila ang kwelyo niya at saka walang habas na pinagsusuntok ang kaniyang mukha. Kitang-kita ko ang pagtalsik ng dugo mula sa labi nito. Imbes na maawa ay mas pinag-igihan ko pang lamugin ang mukha niya, walang awa ko itong pinagsusuntok na wala

