Chapter 58: Chloe

2107 Words

Ayoko man sanang bumaba ay nagpasya na lang akong alamin kung sino iyon, nanginginig man din ang magkabilaang tuhod ko ay nagawa kong makapaglakad nang maayos. Hindi ko pa man din nalalaman kung sino ang bisita ko ay nauna na akong kabahan. Hindi maiwasan na magrigodon ang puso ko, lalo sa isiping baka si Melvin ang bisita ko. Paano kung siya nga iyon at binabawi na nito ang kagustuhan niyang makipaghiwalay? Paano kung bumalik ulit siya sa akin? Tatanggapin ko ba? Marahan akong tumango sa kawalan— oo ang sagot ko. Baka isang sorry lang niya ay mapatawad ko kaagad siya, baka isang yakap lang nito ay marupok na ulit ako. Baka— pero ayokong mag-assume. Wala sa sariling nasapo ko ang dibdid ko, kulang na lang ay kumawala ang puso ko sa katawang lupa ko. Damang-dama ko ang bawat pagpitik nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD