Chapter 1: Chloe

2186 Words
"Nandiyan na si MM!" sigaw ng isang lalaki, saka mabilis pa sa kidlat na kumaripas ng takbo papasok sa loob ng room namin. Pabagsak nitong isinarado ang pintuan at ini-lock mula sa loob ng classroom, kapagkuwan ay naupo sa pinakamalapit na upuan na naroon sa unang row, marahil ay para sa balak na gagawin. Wala pa sa sariling napangisi ako, bago nailing-iling sa kawalan. Pumangalumbaba ako at matiyagang naghihintay sa susunod na mangyayari. Hindi rin nagtagal nang umikot ang doorknob ng pinto, unti-unti ay umawang iyon para sa taong papasok. Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay siya namang awtomatikong nagliparan ang mga crumpled papers sa ere. Mula sa iba't-ibang kaklase ay kaniya-kaniya silang bato sa lalaking kararating lang. The said oh-so-famous innocent boy of the campus. Wearing his usual jumper pants with a pair of rubber shoes na kitang-kita ang kulay puti niyang medyas. With his eyeglasses on and thick books on his arms— a typical nerd to be called. Maliban doon ay sobrang baduy niya, manong manamit, tahimik at may sariling mundo. Oo nga at matalino, mabuting mag-aaral ngunit hindi iyon sapat para tanggapin siya ng mga kaklase. Hindi iyon katanggap-tanggap para sa iba. Mabilis nitong naiharang ang dalawang braso upang ipangsalag sa ilang crumpled papers na tumatama sa kaniyang mukha, imbes na iharang ang hawak na makakapal na libro. Doon ay muli akong nailing-iling habang nakangising pinapanood ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Wala siyang imik, hindi man lang ito sumigaw o umangal sa pangbabastos sa kaniya ng mga kaklase naming mapang-abuso at mapang-asar. I wonder kung alam ba ito ng kaniyang magulang, o baka hindi rin nito sinasabi. I don't know. May parteng naaawa ako, pero mas naiinis ako dahil hindi siya lumalaban ngayon. Napuno ng hiyawan at pangkukutya ang ilan na maging ako ay hindi magawang masikmura ang ibang pagmumura ng mga kalalakihan. Samantalang purong pagkadisgusto at pandidiri ang maririnig sa mga babae na siyang nakikisabay sa trip ng natitipuhan nilang kaklaseng lalaki. Ako lang din yata ang tahimik at wala sa mood na makipagsabayan sa kanilang lahat. Honestly, ang cheap ng ginagawa nila, halatang kakaahon lang sa noo'y bully din at ngayon ay bumabawi sa ibang tao para hulmahin ang bagong katauhan nila. They're look like a dumb s***h wannabe gangster. Maingay at nakaririndi ang bunganga nilang lahat. Nang hindi ko na makayanan ay marahas akong napatayo mula sa kinauupuan ko, naroon ako sa bandang dulo kung kaya ay sabay-sabay na napabaling sa akin ang karamihan. Taas ang noo kong tinungo ang kinaroroonan ng lalaking tinatawag nilang MM, kasabay nito ay ang pagsunod ng mga mapanuring mata sa kung paano ako gumalaw at maglakad na para bang pagmamay-ari ko ang buong mundo. Dahil doon ay sandali silang natigil sa ginagawang pambabato sa lalaki. Tumahimik din ang paligid, rason para ang mga yabag ko na lang ngayon ang naririnig at umaalingawngaw sa apat na sulok ng room. Huminto lang ako nang nasa tapat na ako ng lalaki, hinintay kong mag-angat siya ng tingin sa akin na mabilis naman niyang ginawa. Isang pares ng matang nagmamakaawa ang nabungaran ko. Hindi siya iyong tipo ng lalaking magugustuhan ko at gusto kong tulungan. Mula sa pagkakadungaw ay tiningala ko ito, ganoon pala siya katangkad sa malapitan. Kalaunan nang peke akong ngumiti rito. "Anong pangalan mo?" mahinanong tanong ko. "Hoy, umalis ka nga riyan!" singhal ng isang kaklase ko ngunit hindi ko iyon pinansin. "What's your name, young boy?" pag-uulit ko pa nang hindi siya umimik, o kahit ang kumibo man lang. Todo iwas din ito ng tingin na para bang nahihiya siya sa presensya ko, o masyado lang talaga akong intimidating tingnan. Hindi ko siya literal na kilala, wala nga akong idea kung bakit siya binu-bully bukod pa sa pagiging nerd niya. Well, bagong salta lang naman ako rito sa school nila dahil umalis ako sa dating school ko. Or should I say— I got expelled for being— cheap. Yeah, I forgot, cheap nga rin pala ako, kasi ang ginagawa nila ngayon ay ginagawa ko rin. "M—M..." I cut him off by pulling the tiny string behind his back. Hudyat iyon upang matumba ang isang timba na naroon sa taas ng whiteboard. Bago pa man ako maabutan ay mabilis akong lumayo at iniwas ang sariling katawan sa kaniya, partikular sa bagay na iyon. Kaagad na nag-landing ang nilalaman ng timba sa kabuuang katawan ni MM, rason para magulantang ang mundo niyang natutulog. Napamulagat ito at nanlalaki ang mga matang tiningnan ako. Hindi ako nagsalita, bagkus ay naging kibit lamang ang balikat ko. I was just too curious kung ano ang laman ng timba na siyang plano at ginawa talaga ng mga kalalakihan para sa paparating na si MM. Hindi ko naman alam na maruming tubig pala iyon na siyang pinang-mop ng janitor kanina sa kabuuan ng school. May laman pang pira-pirasong papel, kaya ngayon ay nakadikit na iyon sa katawan ng lalaking nasa harap ko. Matapos mamayani ang katahimikan sa apat na sulok ng room na iyon ay naging sunud-sunod ang paghalakhak ng mga kaklase namin. Napuno ng sigawan at malalakas na hiyawan ang buong paligid. Kulang na lang ay mabingi ako sa mapang-uyam nilang pagtawa. Pareho kami ngayong hindi nagsasalita ni MM, tila basang-sisiw ito sa harapan ko. Tahimik lang siyang nakatitig sa gawi ko na para bang kinakabisado ang bawat facial features ko. Nasa isip siguro niyang sino ba ako? Bakit ba ako nakikisali sa mga pambu-bully ng dati niyang mga kaklase? Ang lakas din ng apog ko, ano? Wala sa sariling napangisi ako, kasabay nang pagkinang ng mga mata ni MM, tanda nang nagbabadya niyang mga luha na handa nang kumawala. "Hello there, new classmate. My name is Chloe Frias," pagpapakilala ko sa sarili. Ngumiti ako rito, nagmistulang pang nang-aasar dahilan para mas mamula ang kaniyang mukha. Samantala ay kitang-kita ko rin sa parehong mata nito ang galit, namumula rin iyon na ano mang oras ay maiiyak na ito. Huminga ako nang malalim, balak ko na rin sanang lisanin ang lugar na iyon dahil masyado akong nabuburyo sa paghihintay ng magandang mangyayari. Wala pa ang teacher na dapat ay kanina pa nagtuturo. Mabilis ko lang hinawi ang buhok ko sabay talikod sa lalaki na nananatiling tuod sa kaniyang pagkakatayo. Tangkang itutulak ko na ang pinto ay siya namang bukas nito, bumungad sa paningin ko ang nasabing principal ng school. So, yeah, I got expelled again for the nnth time. Malakas akong natawa sa kawalan. Sa kadahilanang baliw ako ay na-expel din ako sa Pilipinas— kidding aside. Pinadala lang naman ako ni Daddy rito sa Australia, para raw makapagmuni-muni ako at para mahanap ko ang sarili. Aniya ay para raw magtanda ako at turuan ng leksyon, para dumeretso ang baluktot kong buntot at maging matino. Sa tuwing naalala ko na nga lang iyong pinaggagagawa ko noon ay natatawa na lang ako. It's been a year, ten years to be exact. So far, it's so good to be true. Nagbago na rin naman na ako kung tutuusin, well, siguro ay kaunti. Tingin ko ay nasa tamang pag-iisip na ako at medyo tumino na rin. And for the past years, natuto akong maging independent. Bukod kasi kay Tita Sylvia ay sarili ko lang din ang kasangga at karamay ko. Literal na pinadala lang talaga ako ni Daddy dito sa Australia dahil wala siyang magawa. Naiwan sila roon sa Pilipinas ni Mommy kasama ng nakababata kong kapatid na si Calvin Frias. Naging kibit ang balikat ko, bago dinampot ang cellphone ko na naroon sa bar counter top mula sa kusina. Mayamaya rin lang nang mabilis na sinagot ng kabilang linya ang tawag ko. "Hello?" "Hoy, sis! Sana all, kinasal na, ano?" bungad ko kay Tyra Nicole Fajardo, ang dating iniibig ng pinsan kong si Mirko Frias. They never had a happy ending, instead si Tyra lang itong naging masaya. One-sided it is. Binalita sa akin ni Mirko na ikakasal na si Tyra sa ibang lalaki and of course, as a bestfriend, naging mapagparaya siya. Nakilala ko si Tyra noong maglagi siya rito sa Australia upang magpa-admit sa isang Mental Institution para magpagaling sa depression niya. Her behind story is a long story to tell, ayoko ring ipagkalat since it's a sensitive issue. "Ano, sis? Nariyan ka pa ba?" pukaw ko sa atensyon ni Tyra na hindi ko malaman kung nasa kabilang linya pa ba at kanina pa siya walang imik. Dala ang isang basong tubig ay nagtungo ako sa sala, matapos iipit sa punong tainga ang cellphone ay madalian kong kinuha ang remote control ng TV at saka iyon binuksan. Marahan akong naupo sa pahabang couch at tila reyna na inihilig ang likod sa kinauupuan, kasabay nang pagpatong ko ng dalawang paa sa center table, bago iyon idinekwatro. Napangiti pa ako nang makita ang new pedicure nails ko. "Kailan ba ang balik mo rito sa Pinas?" tanong ni Tyra kung kaya ay napaisip naman ako. "Saka na, kapag may boylet na ako. May irereto ka ba?" derekta kong sambit habang malakas na tumatawa. Well, honestly speaking— I haven't engaged to any commitment. I'm not yet ready for a serious relationship, takot ko na lang na baka makarma ako. Iba pa naman ang inog ng mundo, baka hindi lang sampal ang abutin kong karma. Ang dami kong nagawang kamalian noon, mga pangbu-bully, pananaksak ng ballpen sa dating mga kaklase. Pananabunot, panunugod ng mga taong hindi ko gusto at pag-abang ng mga kaaway sa labas ng school. Dati akong pariwara, may sariling desisyon at hindi nadidiktahan. Rebelde kung maituturing, kaya nga dumating sa puntong maski ang mga magulang ko ay itinakwil na ako, kaya ako napadpad dito. May ilan namang umaamin sa akin at nagtatangkang manligaw. Lalo na rito sa Australia, marami ang nagpaparamdam ngunit hindi ko lang talaga gusto pa ang pumasok sa isang relasyon. Either, I'm not into flings. Bahala kayo riyan sa buhay ninyo matigang kahahabol sa akin. Although, karamihan sa kaibigan ko ay mga lalaki, pero hanggang doon lang iyon. Alam na nila ang hangganan nila. Alam din naman iyan ni Mirko na isang pulis at ni Calvin na kapapasok lang sa Camp Crame para mag-training, ganoon pa man ay todo ingat ang mga ito sa akin. Hindi nila alam ay mas lalaki pa ang galaw ko sa ibang lalaki. "Mayroon... pero saka ko na ipapakilala kapag nandito ka na," mahinang usal ni Tyra, kaya napangiwi ako. "Seryoso? Gwapo ba? Umiigting ba ang panga at may perfect v-line and abs?" Malakas akong tumawa dahil sa kabaliwang pinagsasabi. Nailing-iling pa ako sa kawalan, kapagkuwan ay napatingin sa malaking flatscreen na naroon sa harapan ko, bago napatitig sa lalaking nag-materialize sa screen nito. US base channel ang napapalabas dito sa Australia ngunit hindi na bago sa paningin ko kung may ilang Pilipino issue man ang mai-report. O mapalabas sa TV mula sa tanyag na artista, o matataas na tao sa bansang Pilipinas. Bumaba ang atensyon ko sa pangalang nakalahad sa screen ng TV dahil ini-interview siya ng isang reporter, Melvin Dela Vega is the name. One of the great bachelor of all time. He owns half of the world. I mean, the airlines, some of gasoline station in the Philippines. He also have market in different places of Manila and a company of publishing house. He's indeed a succesful man, huh? Bukod sa kayamanang taglay, gwapo rin itong maituturing. Base sa mga recent interviews niya, mahinhin ito at tila pa mahiyain. Naririnig at nababasa ko na ang pangalan nito sa ilang magazines, newspaper at maging sa billboard. Sikat siyang businessman sa Pilipinas at ang masasabi ko lang, he's a serious type of guy. Hindi maiwasan ay maalala ko ang lalaking nagngangalang MM. How is he? Iyon na kasi ang una at huling kita namin dahil kinabukasan ay hindi na ako pinapasok ng principal. I wonder kung nerd pa rin siyang umasta ngayon. C'mon! It's 2021, nagdaan na ang ilang trends and all. Huwag niyang sabihing jumper pa rin ang suot nito hanggang ngayon habang nakalabas ang medyas? "So, ano nga ba ang inspirasyon ng isang Melvin Dela Vega?" Dinig kong sambit ng reporter. Siya namang ikot ng camera upang ibigay ang buong atensyon kay Melvin. Seryoso ang mukha nito at may malamig na expression, tila yelo at ang lamig-lamig na nanunuot sa kaibuturan ko. "Ang totoo niyan, may isang babae akong pinag-aalalayan ng lahat ng tagumpay ko ngayon," sagot nito, bago tumingin sa gawi ng cameraman. Rason iyon upang magmukhang nakatingin siya sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay nagtayuan ang mga balahibo sa batok at braso ko sa uri ng tingin nito. Kasabay no'n ay ang paghiyawan ng ilang kababaihan sa background nito. Napangiti rin ang reporter at para bang kinikilig sa tinuran ni Melvin ngunit ako ay hindi. Kumunot ang noo ko. Napakaswerte naman pala ng babaeng iyon. "Dahil sa oras na magkrus ulit ang landas naming dalawa, I will make sure she suffer 'til she kneels down in front of me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD