Chapter 1
I watched my father as he choked my lover to death.
Nanigas ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw sa takot. Hindi ko halos ramdam ang daliri sa panlalamig ng kalamnan.Tulala kong pinagmasdan si Dad habang may pinapatay.
"S-Sir..." Umawang ang labi ni Anthony, naghahabol ng hininga. "S-Sir... m-mahal ko ang a-anak niyo..." Mariin niyang hinawakan ang braso ni Papa pero hindi man lang natinag ang huli.
Ngumisi si Papa at mas lalong pinagbuti ang pagsakal kay Anthony. "You think I mind that, young man?" lapat ang ngiping sambit niya. "You should blame your father for this!"
Kinagat ko ang ibabang labi at mariing nagtago sa likod ng malapad na poste. Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Hinanap ko ang sariling boses pero nawalan ako ng salita.
Nagpunta ako sa University para makipagkita kay Anthony pero hindi ko inasahang makikita si Papa na sinasakal siya.
I held tighter the gift I've prepared for him. Imbes na siya ang masorpresa, mukhang ako pa yata ang na-surprise sa aming dalawa. I didn't know what grievances between my father and Anthony's father have, pero iisa lang ang naiisip ko sa sandaling iyon.
My father was there to find and kill my boyfriend.
Gusto kong lumapit at pigilan si Papa sa ginagawa pero wala akong lakas ng loob. He's ruthless, I knew, because I've seen him mistreating his employees. Kitang-kita ko kung paano siya magalit at ayokong ibunton sa akin ang galit niya.
Why?
It might be because of the secret relationship we had that my father sought out Anthony and upon seeing him and knowing who his father was, Dad couldn't stop himself from choking my boyfriend.
Siguro iyon nga ang nangyari.
Nagitla ako nang makarinig ako ng pagbagsak. Nanlaki ang mga mata ko at sinilip si Papa. Anthony was lying still in the grass. I draw a breathe.
Was he dead?
No, he should not.
Pero bakit hindi siya gumagalaw?
Pinagmasdan ko nang mabuti si Anthony. Nakahiga lang siya sa lupa at walang kakibo-kibo. I uttered a cuss under my breath.
Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko habang iniisip ang posibilidad na patay na siya. My eyes darted to Dad. Was he really a murderer?
My face paled upon the realization and my chest tighten in denial. No. How could Dad kill a junior half his age?
May inilabas siya mula sa bulsa at inilagay sa tabi ni Anthony. Tumayo siya nang tuwid. Pinagbuti ko ang pagtatago sa pader. I don't want him to catch me watching his crime at baka ano pang mangyari sa akin.
Narinig ko nalang ang yabag niya papalayo. Napaupo ako sa lupa at napasandal sa pader. Tiningala ko ang langit at pumikit para pakalmahin ang kumakabog kog dibdib.
Maya-maya pa ay dumilat ako at mabilis na itinago sa ilalim ng masukal na d**o sa gilid ang gift box na hinanda ko para kay Anthony. Hindi ko kayang dalhin pabalik sa bahay ang regalo na iyon matapos makita ang kamatayan ng boyfriend ko. It would surely haunt me in my dreams.
Tumayo ako at huminga na naman ng malalim. I kep telling myself that I was not the one who killed Anthony, yet my body could not stop shaking. Siguro dahil sa shock o ano, but it's not good to stay here any longer and someone might discover me lurking here.
Lumabas ako sa pinagtataguan at humakbang papalapit sa bangkay ni Anthony. Tiningnan ko ang mukha niya. He looked like sleeping peacefully. Wala man lang bakas na nanlaban siya sa pagkakasakal ni Papa.
I bit my bottom lip.
Bakit hindi siya nanlaban? Bakit hinayaan niyang patayin siya ni Papa? Is it because of me? Is it because he knows that I love my father at ayaw niyang mawalan ako ng magulang? O because Dad was just strong that he could not do anything?
"Anthony," I whispered, choking in my words. "I'm s-sorry..."
Lumuhod ako sa tabi ng bangkay niya at hinaplos ang pisngi. He was a handsome and promising young man. Maraming babae ang pumipila sa kaniya pero heto siya't nakahiga at hindi na humihinga.
I clenched my fist hard. Nanlamig ang kalamnan ko kasabay nang pag-ihip ng malamig na hangin.
"I-I want..." I shook my head and frowned. "I want to serve you justice but he's my father... he's the only person I have right now. I'm sorry but believe me that I loved you, Anthony."
It was ironic for me to say I love him when I could not give him justice.
Tumingala ako sa madilim na kalangitan and threw my head back, laughing. Hypocrite. Such a hypocrite!
What good model student? I was a coward and a hypocrite!
Tumulo ang luha sa mga mata ko at naglandas sa magkabilang pisngi ko. Pinahid ko iyon at tumayo. Huminga ako nang malalim at wala sa sariling naglakad tungo sa mataong parte ng University.
Natauhan lang ako nang may bumangga sa akin at napaupo ako sa sementadong sahig. "Oh!"
Kumurap ako at tumingala. Nakita ko si Jenica na masama ang tingin sa akin. Nilibot ko ang paningin at napagtantong nandito ako sa hallway ng Education building.
"Watch where you're going!" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jenica. "At sa susunod, 'wag kang pahara-hara sa daan."
My lips pursed and stood. Pinagpag ko ang damit at humakbang palampas sa kaniya. I heard her cussing loudly at sinita siya ng Professor na dumadaan din sa hallway.
"Miss, ayos ka lang?" tanong ng estudyanteng nakasalubong ko.
I faintly smiled at him and nodded before continued walking ahead.
Okay? I'm okay?
Natawa ako. Hindi ko alam kung matatawag bang okay ang isang tao kung wala na siyang nararamdaman? Tulala akong nagpatuloy sa paghakbang.
HIndi ko kasi inasahang magagawa iyon ni Papa kay Anthony. But who am I to judge him when I only watched the crime and didn't even hesitate to help or not. I just stood there stupidly as if I'm watching a show and not a crime.
So who am I to persecute my father?
Afterall, his blood is flowing in my veins and a rotten fruit is not far from its branch.
"Ahhh! Tulong!"
Nahinto ako sa paghakbang. Pumihit ako at nakita ko si Jenica na tumatakbo tungo sa direksyon ko. Dilat ang mga mata niya at nakaawang ang bibig.
"A-Anthony! Anthony is dead!"