Hindi na siya binigyan nang pagkakataong magpaliwanag pa at pwersahan siyang pinasok sa loob ng mansion ng Clasiso. Kahit na kinakabahan at naguguluhan, pinagpasalamat na rin niyang pinasok siya sa loob dahil hindi na niya kaya ang hapdi na dala ng tirik na araw sa labas. Hindi nga niya alam kung bakit niya naisipang magpabilad sa araw. "Namumula na ang balat mo. Mangingitim ka na niyan," sabi ng maid na lumapit sa kaniya. Ito 'yong maid na inutusan ng ama ni Anthony kanina. Esma yata ang pangalan. "T-Tubig..." mahina niyang bulong. Pati ang lalamunan niya ay tuyong-tuyo dahil sa init. Maalinsangan din ang pakiramdam niya kahit na nakatayo siya sa air-conditioned na sala. At sa naghihikahos na kondisyon niya, bigla nalang sumagi sa isip niya ang malawak na dagat sa resort na pinuntah

