And like I said, hindi tumigil ang mga Clasiso. They pursued me even in my school. Nagulat na lang ako dahil paglabas ko ng University ay pinagkaguluhan ako ng mga reporter. Nahinto pa ako sa paghakbang at gulat na nilibot ang tingin sa lahat ng kamerang nakatutok sa akin. "You are Mr. Anthony's friend, right? How are you related with the Clasiso family?" "Miss, what can you say about the suicide incident involving Mr. Anthony Clasiso?" "May nasabi ba siya sa 'yo na nagpa-trigger sa kaniyang gawin 'yon?" "Was he depressed?" "Why didn't you stop him?" Napakurap ako at napaatras. Halos mabulag ako sa rami ng flash. Pumikit ako nang mariin at tinaas ang kamay para itago ang mukha mula sa mga reporter. Lumunok ako at nagpatuloy sa pag-atras. They continued to step forward, closing the ga

