CHAPTER FOUR
Boses ni Almyra ang gumising sa akin kinabukasan.
“Dalton, si ate Aeshia mo?” tanong nito at dinig ko ang hakbang sa paglapit niya.
“Nando’n pa po sa kwarto eh, natutulog,” sagot ni Dalton.
Napabalikwas ako ng bangon.
“Ah, natutulog. Pakisabi na lang sa kaniya, nauna na ako. Alam naman niya ang venue—”
“Hindi, walang mauuna,” putol ko sa kaniya.
“Ay wow, mama kita? Desisyon ka?”
“Hintayin mo ‘ko, five minutes promise,” nagmamadaling sabi ko.
“Aeshia, ano’ng oras na oh?”
“Magkape ka muna riyan. Saglit lang,” sambit ko at dali-daling hinablot ang isang tuwalya saka pumunta sa CR.
Halos magkanda-dupilas na ako sa kakamadali sa paliligo, ligong kalabaw na lamang din ang ginawa ko. Kung anong nangyari sa akin at tanghali na ako nagising ay hindi ko na rin alam.
Nang matapos ako maligo ay nagbihis ako agad. Knowing Almyra, mapapaghintay mo iyan ng order niyang milk tea kahit isang buong araw pero ikaw na kaibigan, ‘wag ka nang umasa.
“Teka nga, bakit ba nagmamadali ka?” tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko.
Naglalakad na kami ngayon papalabas ng eskinita at hindi ko masabayan ang malalaking hakbang ni Almyra.
“Alas nueve na, babae. Male-late na tayo,” sagot niya nang hindi man lamang ako nililingon.
“Sira, ‘di ba 10am pa naman ang simula? Teka naman kasi, hakbang kabayo ka eh,” hinihingal na sambit ko.
Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy sa pagmamadali. Nang marating namin ang venue ay nakapag-set up na ang mga crew. Prepared na rin ang mga makeup artists at naroon na ang ibang models.
Sandali kong inihahanda ang sarili ko nang dumating na si ma’am Fritz kasama si sir Louie. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng mukha dahil na rin sa pagmamadali ni Almyra kanina. Hindi naman ako pala-ayos ngunit nanunuyo ang labi ko kapag walang lip balm. Madali manuyo ito lalo kapag nahahanginan.
Sa halip na mag-abalang maglagay ng lip balm ay mas pinili kong magsuot na lamang ng face mask para hindi ito gaano mahanginan.
“Good morning po, ma’am Fritz,” bati ko sa kaniya nang lumapit siya sa akin.
“Good morning,” bati niya pabalik.
Nakasuot siya ng beige spaghetti strapped blouse at shorts. Bitbit niya ang isang designer bag at sa kabilang kamay ay isang smoothie.
“Shall we start?” tanong niya at sumang-ayon naman ang lahat.
Nagsimula ang photoshoot at naging mabilis ang lahat. Bago magtanghali ay nakatatlong sessions na kaya ang lahat ay halos mag-ikot trumpo na. Nakakapagod man ay naging magaan naman sa pakiramdam dahil kalmado ang lahat at nagtutulungan.
3PM, nagkaroon ng quick break para raw makapagpahinga ang mga photographer. Kung susumahin ay wala pa silang hinto sa shoot mula kanina.
Isinalansan ko ang mga makeup brushes at mag-isa ako sa tent nang may pumasok. Dinig ko ang mabibigat niyang pahinga at sa kaniyang pagdaan sa likod ko’y niyakap ako ng amoy ng kaniyang pabango.
“Air,” usal ko nang matanaw ang repleksyon niya sa salamin.
Inalis niya sa pagkakasabit sa kaniyang leeg ang camera at ipinatong iyon sa lamesa, katabi ng mga makeup kits. Nagbuntong hininga siya saka ipinagpag ang blue polo niya upang ibsan ang init.
“Ang init… grabe, nakakapagod,” mahinang usal niya ngunit malinaw ang pagkarinig ko.
Inalis niya ang kaniyang salamin sa mata at inilapag din sa lamesa.
“Kanina ka pa riyan?”
Gulat akong napalingon nang ibaling niya sa akin ang kaniyang paningin. Sa kung anong kadahilanan ay hindi ako nakasagot agad.
“H-hey?” nag-aalangang tawag niya sa atensyon ko.
“Huh? Ah oo, siguro. Syempre tent namin to e,” wala sa sariling sagot ko.
“Huh?” naguguluhang tanong niya. “Don’t tell me, maling tent ang napasukan ko.”
“Apparently…”
Tumango ako.
“I’ll be—uh, just… going out,” utal na sabi niya at ngumiting awkward.
“It’s fine. There’s nothing to keep in private here,”
Huminto siya at tumingin sa akin. Dahan-dahan niyang tinahak ang daan papalapit sa akin. He wasn’t saying anything but I can feel my heart fluttering as he looks directly at my eyes. The rays of the sun hitting his skin highlights his features. From his thick eyebrows, down the the bridge of his nose and his well shaped lips.
He took few more steps until he stopped right in front of me. His dashing eyes didn’t set my eyes free from his deep stare. I could feel we weren’t both blinking. I gulped. He gulped as well and I saw how it rolled down his adam’s apple.
“Why are you wearing mask?” His voice soothed down my senses.
“Uh, w-wala,” I stuttered.
“Wala?”
“I—uh, I’m not feeling well,” palusot ko at kunwari pang umubo.
Sa halip na sumagot ay nabigla ako nang dumampi ang kamay niya sa noo ko at ramdam ko ang init ng malambot na palad niya.
“Hindi ka naman mainit ah,” he uttered soon as he set my forehead free from his palm.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang drama ko o sasabihin kong kaya ako nakasuot ng mask dahil hindi ako nakapag-lip balm at nabibitak-bitak na ang labi ko parang Sahara Desert.
“Uh, wala. Wala… kasi akong lipstick,” pagsisinungaling ko pa.
“As… far as I remember, hindi ka naman nagli-lipstick?”
“Wow. Kilalang kilala mo ‘ko?” bulong ko at bahagyang bumaling patalikod.
“Sorry?”
“Wala. Never mind,” sagot ko.
“So bakit ka nga naka-mask?”
“My lips,” tipid na sagot ko.
“What’s wrong with it?”
“Kailangan ng kiss,” bulong ko ulit.
“Huh?” naguguluhang tanong niya.
Kyah, kailangan ko ng kiss mo. Char.
“Ang sabi ko, nanunuyo ang labi ko kapag hindi nalalagyan ng lip balm. Hindi ko na nalagyan kaninang umaga kaya… ayun nanunuyo na siya,” paliwanag ko.
“Then try putting some ngayon,” suhestiyon niya.
Inalis ko ang face mask ko at humarap sa salamin. Hinanap ko ang lip balm sa tambak ng kalat sa bag ko. Mula sa repleksyon ni Air sa salamin ay kita kong nakatingin siya sa akin.
“Anemic ka?” he asked.
“No idea. Siguro.”
“Kakaselpon mo iyan,” sagot niya at tumawa.
“What? Hello, hindi ako nagc-cellphone kapag gabi. Mas mabuti pang magpahinga ‘no. Maraming bagay ang mas dapat i-prioritize,” giit ko.
He laughed softly.
“Joke lang. Ikaw naman.”
Hindi ako umimik. After putting enough lip balm, I squeezed my upper and lower lip to each other. When it was evenly applied, I pouted and smiled.
“You’re way comelier when you show your face,” he muttered.
Tinitigan ko ang repleksyon niya sa salamin. Nakatayo siya sa likuran ko at nakatitig sa akin.
“D-don’t look at me like that,” naiilang na sabi ko.
“Why?” nangingiti niyang tanong.
“H-hindi ako sanay. I feel uncomfortable,” I replied.
“Sorry to make you feel like that but I can’t stop myself doing so. From your eyes, I see how beautiful your soul is.”
My heart leaped a beat. For anyone’s sake I am freaking panicking inside and I can’t explain why.
“I don’t know what you’ll say and I don’t care as well,” he said and I was looking at him, anticipating what he’s about to say.
I raised my eyebrow.
“Love at first sight is not a thing to me, but the moment my sight landed on your smile, I had a vision of your genuine benignancy. You… are a great person to have.” I wasn’t dodging his looks. I hardly breathed as I felt my knees shaking. “I like you,”
My mind started to be crowded up by millions of confusions.
“Air,” I said as I looked down.
“Oh, don’t get me wrong, I just want you to know how I feel about you. You’re cool, indeed so much fun to be with. Alam kong hindi pa tayo nagkakasama nang ganoon katagal pero there’s something I feel inside whenever I’m with you. Something unexplainable. That’s why the moment I heard your voice, I knew, you are special,” he explained.
I gulped. I wasn’t able to process everything he said.
“B-but, Air… I, uh,”
“Don’t get pressured. I ain’t asking you to requite what I feel for you. I am just informing you.” He softly laughed.
“I still don’t get it. Bakit parang… ang bilis?”
“It’s not about the time. You can feel love at a random place and at a random time. P’wedeng ilang taon na kayo magkasama but you won’t feel anything for him, because you’ll be better as friends. Acquaintance. Otherwise, we can fall in love in a blink of an eye. With a person we don’t usually meet or even a stranger. And that’s what I had, the first time my camera captured you, the same time you captured the whole me.”
“Uhm,” I couldn’t find the exact words to say.
“The night I met you, I wasn’t able to know your name. I didn’t have anything to do but to stare at your photo, imagining what goddess’s name do you have. And the afternoon at the playground, you have no idea how much I stopped myself to pee on my pants. You were irresistible. I wanted to step back, but you were like magnetizing me.” He chuckled.
“Uh, Air… sorry ha, hindi ko lang ma-absorb. Ang bilis lang talaga.”
“Then let’s spend more time together. Let’s go out. After these sessions of photoshoot. On next Sunday perhaps?”
“I’ll think of it,” tipid na sagot ko.
“Give me a chance, I’ll let you know the whole me.”