CHAPTER THREE
Nang maglaho sa paningin ko ang lalaking nagpakilalang Airon ay bumuntong hininga ako. Hindi ko nagawang kumilos agad at hindi ko rin alam kung bakit. Napahaplos na lang ako sa noo ko saka isinukbit ang bag ko.
Inihakbang ko na ang mga paa ko nang matanaw sa ‘di kalayuan si Martyn. Tila naistatwa akong bigla at nanginig ang mga tuhod ko nang makitang may babae siyang kasama. That… quick? May nahanap agad siya? Wow.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na tulala at wala sa katinuan. Kung ilang beses na ba akong nagbuntong hininga ay hindi ko na rin alam. Malalim na ang gabi at tulog na rin si Dalton. Ramdam ko ang pagod at pagkirot ng mga bahagi ng katawan ko. Nakasalampak ako sa sahig ng sala at tinititigan ang tasa ng kape na hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na tinimplahan at inubos.
Bakit parang ngayon lamang nags-sink in ang lahat? Why did it take days for me to be this broke? I should’ve felt broken soonest as Martyn broke up with me with a text message. It took days kaya akala ko okay lang na mawala siya, na hindi ako affected. But why do I feel like this? Dahil ba nakita kong may bago na siya? O dahil naiinggit ako sa idea that he’d moved on at naiwan ako nang ganito? Hindi ko alam, nor anyone.
“Napakarami naman atang ipis ang kumagat sa’yo?” natatawang tanong ni Almyra.
Naglalakad kami ngayon papunta sa playground—venue ng photoshoot today.
“Hindi ko alam, baka dahil nakalimutan ko nang maglinis,” palusot ko.
“Akala mo maloloko mo ‘ko? Ipis? Magkabilang mata ang kinagat? Sabihin mo na kasi, Aeshia. Umiyak ka ‘no?”
“Umiyak?! Ba’t naman ako iiyak?”
“Kasi maganda ako, char. Anong malay ko sa’yo? Basta alam ko umiyak ka. Mugtong-mugto ang mata mo oh. Medyo namamaos ka pa. ‘Wag mo na sisihin yung ipis.”
“Whatever, kung ‘yan ang gusto mong isipin,” sambit ko sabay buntong hininga.
“Bakit ka nga kasi umiyak? Dahil ba… kay Martyn?”
Natigilan ako.
“Oh, don’t get me wrong, ha. Siya lang naman kasi ang pwede maging dahilan ng pag-iyak mo,” paliwanag niya.
“Indeed, he was,” mahinang tugon ko.
“Mamsh! Akala ko ba—okay, mahirap naman talaga mag-move on. Pero, Aeshia naman, ‘wag mong pagurin ang sarili mo sa kaniya. Breathe, let time heal you.” Hinagod niya ang likuran ko.
Ngumiti ako.
“Halika nga, m-makeup-an din kita mamaya. Stressed ka na oh,” sambit niya pa at hinila ako.
Nang makarating kami ro’n ay wala pa ang mga models. Karamihan ay staff lang na nags-set up at dalawang photographer ang nagp-prepare. Wala pa rin si sir Louie at ang ibang makeup artists.
Iniayos namin ang mga gamit namin saka nag-ready. Pinaupo ako ni Almyra sa harap ng isang salamin at doon ay nakita ko ang matinding pamumugto ng mata ko. Marahil ay hindi ko na napansin na marami ang ibinuhos kong luha kagabi. Sinimulan na rin ni Almyra ang pag-makeup sa akin.
“Sandali, sigurado ka ba na pumayag si Sheki na one week ka ‘di papasok sa shop?” tanong niya habang itinatali ang buhok ko.
“Oo,” diretsong sagot ko.
“Paano mo nasabi?” tanong ni Almyra.
“Nakangiti siya?” nag-aalangang sagot ko naman sa kaniya.
“Nakangiti lang? Alam mo namang plastik ang lintek na iyon.”
“Grabe ka naman. Tuwang-tuwa nga at magiging straight daw ang duty niya.”
Maya-maya pa ay dumating na rin ang lahat at nagsimula ang photoshoot. Mas naging mahirap ang second day namin dahil mas maraming models ang kinuhanan. Madalas din ang pag-hulas ng makeup nila dahil na rin sa init ng araw. Kahit nasa ilalim ng tent ay ramdam namin ang mala-impyernong init. Si ma’am Fritz naman ay wala dahil may contract signing daw siya sa isang network. Nabanggit sa amin na kaya pala puspusan ang ginagawang photoshoot dahil ang Rouge Magazine ay nagp-planong lumahok sa isang prestigious event na kahanay ng iba pang sikat na magazines.
Kinahapunan, nagkaroon ng ten minute break dahil sagad sa buto ang pagkabilad namin sa araw. Karamihan ay todo paypay kahit nasa tapat na ng electric fan maibsan lang ang init.
Nagtungo akong sandali sa malapit na CR at naghilamos. Binura ko na ‘yong makeup ko dahil pakiramdam ko ay lalabas na lahat ng langis ko sa katawan at ang lagkit. Napansin kong hindi na ganoon ka-mugto ang mata ko ngunit hindi pa rin normal.
“Aeshia, i-braid kita,” alok ni Almyra sabay ngiti na animo’y may maitim na balak.
“Huh? ‘Wag na. Si sir Louie na lang,” sagot ko sa kaniya sabay turo kay Sir Louie.
“Abnormal ka ba? Paano ko ib-braid iyon? Panot na, may poknat pa, three inches.”
Napatawa ako. Umupo ako sa harap niya at tumalikod dahil alam ko naman na wala akong magagawa kung hindi pumayag sa gusto niya
“Aarte-arte pa, papayag din naman pala,” sambit ni Almyra at pabirong hinila ang buhok ko.
Sinimulang i-braid ni Almyra ang buhok ko at nakaharap kami sa salamin. Maayos ang pagkakagawa niya at naintindihan ko kung bakit siya napupuri maging ni ma’am Fritz.
“Two minutes, guys, start na tayo ulit. We need to finish another session bago mag-sunset,” anunsiyo ng isang lalaki at tumugon ang lahat.
“Almyra, bilisan mo na!” sambit ko.
“Oo na, ito na. Patapos na.” Nagmadali naman siya sa pagb-braid sa’kin.
“Okay na iyan. ‘Wag mo na tapusin. Hanggang diyan na lang.”
“Ano ka? Unicorn? Kalahati braid, kalahati hindi?”
“Ayos na iyan,” giit ko naman
“Kaya ko ‘to tapusin. ‘Wag ka na masatsat.”
Hindi na ako umimik.
“One minute na lang, Almyra. Bilis,” pagmamadali ko sa kaniya maya-maya pa.
“Tapos na!” sigaw nito. “Akin na ang pangtali mo.”
“Huh? Wala akong dala,” sagot ko.
“Wala? Wala rin ako. Teka, hindi pwedeng masayang ang effort ko,” sambit niya saka nagpalinga-linga. “Pst!” tawag niya sa isang babaeng napadaan.
Lumingon ang isang babaeng kulot ang buhok at naka-checkered long sleeves.
“Mamsh, ikaw na kumausap,” sambit ni Almyra sabay kalabit sa akin.
“Oh? Bakit ako? Ikaw ang tumawag. Bahala ka.” Bahagya ko siya itinulak.
“Ayaw ko, incubator ako eh,” sabi naman ni Almyra sabay baling ng tingin sa akin.
“Incubator?” takhang tanong ko.
“’Yong mahiyain. Parang laging mapag-isa sa buhay,”
“Gaga, introvert iyon,” wika ko naman at mahinang natawa.
Bago pa man makapag-salita si Almyra ay lumapit na ang babae.
“Yes? Ano iyon?” mahinhing tanong nito.
“Baby ko si kulot~” mahinang kanta ni Almyra ngunit halatang pinaparinig niya ito.
“Huh?” tanong ng babae sa harap niya.
“Huh? Uh, wala. May san rio ka?” tanong ni Almyra saka ngumiting plastik.
“Wala, pero may ponytail ako.”
“P’wede pahiram? Balik ko na lang,” sambit pa ni Almyra.
“Sure,” sagot nito sabay abot ng ponytail.
“Hello kitty ampotek,” saad ni Almyra nang makaalis na yung babae.
Nagpatuloy ang photoshoot at naging maayos naman. Kahit mainit ay todo posing ang mga model, si sir Louie na mukhang bagong lutong monay na ang ulo ay panay ang sermon sa mga ibang makeup artists at hindi ko alam kung bakit.
“Ang init, tigang na ako more than ever,” bulong ni Almyra sa akin habang inaayos ang mga gamit.
On shoot ang model na ni-makeup-an namin kaya may time kami.
“Sira, tiis lang. Malapit na. Ilang oras na lang,” bulong ko rin sa kaniya.
“Bakit ba kasi rito pa tayo nag-shoot?” inis na sabi ni Almyra habang nagpapaypay.
“Childhood nga ang theme ‘di ba?”
“Sino ba kasing pumipili ng theme? Tatampalin ko ng dos por dos,” aniya pa.
Nang mag-pack up ay kani-kaniyang ayos ng gamit ang lahat. Umuwi na ang mga models, nag-linis ang mga staff at umalis na rin ang nga makeup artists. Si Almyra ay nauna nang umuwi dahil balak niya pa raw ayusin ang lababo nila. Ako nama’y naupo sa isang swing para sandaling magpahinga.
Nagbuntong hininga ako. Huli akong nakaranas na makaupo sa swing ay seven years old ako. Kasama ko si mama at binilihan niya pa ako ng ice cream na ipinalaman sa tinapay. Nakasuot ako ng pink and white striped long sleeves at denim jumper. Tanda ko rin na may shower bangs noon si mama kasi napagkatuwaan siya ni papa na gupitan dahil bored.
May apat na taong naglalaro sa seasaw at tatlong bata sa slide. Dumaan din ang isang nagbebenta ng yakult kasunod ng tindera ng siomai. Kasunod ay ang kulay asul na kotse, marahang umaandar hanggang sa lumiko sa kaliwa, sa burger stand.
Napakatagal na, ngunit lahat ay hindi mabura sa isip ko. Kahit ang maliliit na detalye.
‘Si Aeshia? Gifted iyang bata na iyan.’
Gift. Akala ng lahat.
Dahil kaya kong ipasa lahat ng exams. Dahil kaya kong i-memorize lahat ng dapat kabisaduhin. Dahil kaya kong tandaan ang mga bagay na mahalaga. Dahil lahat ng nalalaman ko ay hindi ko nakakalimutan.
Talent? It isn’t one.
Hypothetically, it’s a curse.
My mom died away from us. Tumawag na lamang si tita at sinabing nag-aagaw buhay si mama. All of her sobs, her every cry and the sound of agony and pain she made, naaalala ko.
Our father died right in front of my eyes. I saw how he spit blood that night. How he gasped for air and fought against death. Lahat ng bilin niya sa akin at mga paalala before I lost him with his bloody body on my bare hands. Malinaw lahat sa pag-iisip ko.
Martyn, I met him three years ago. Madali nahulog ang loob ko kaya hindi ko alam kung totoo nga ba ang nararamdaman ko. But then, he proved it was all real. He made me feel different emotions and brought me on the highest peak of me. Bawat oras na kasama ko siya, I felt secured. Wala akong narinig na kahit anong nakapag-pasama ng loob ko. He even stood as Dalton’s father. But breaking up with me with a single text message? It hurts me like damn.
He just made me realize that what I had for him was real. What he had wasn’t.
Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang isang tunog ang pumutol nito. Isang pag-capture ng camera.
“Another good shot,” boses mula sa gilid ko.
Nilingon ko ito at nakita si Airon na nakasuot ng white long sleeves na itiniklop hanggang siko. Naka-denim shorts siya at nakasabit ang camera sa leeg.
“Here’s your photo. As promised,” sambit niya at iniabot sa akin ang isang litrato.
“Thanks,” sagot ko at tiningnan ang litrato.
Ito ay ang litrato ko kahapon sa fish port. Maganda ang shot at napangiti ako.
“Maybe I’ll hand your shot today, tomorrow,” saad niya at ngumiti.
The moment his eyes wrinkled, I felt my heart took a sudden leap. I wasn’t able to speak.
“The ponytail, it suits you. You’re photogenic. Bakit ayaw mo maging model?” tanong niya.
“I’m just a part timer. Saka I don’t have the looks and enough confidence,” paliwanag ko.
“Then build yourself up. Get out of your shell,” he replied and sounded encouraging.
“Why would I bother doing it?” bulong ko sabay layo ng tingin sa kaniya.
“Wait. Are you crying?”
“Ano?” naguguluhang tanong ko. “Of course not.”
“Yes, you are. Anong tawag mo riyan?” tanong niya sabay turo sa mata ko.
Nang hawakan ko ang mata ko ay napansin ang luhang mabagal na tumutulo pababa sa pisngi.
“Anything wrong?” malamig ang boses niya at ramdam ko ang sinseridad.
Umiling ako.
“Lie more. Minus points ka sa langit sige ka,” he joked.
“Fine. I’m not feeling well.” I sighed.
“Why so?” he sounded so curious and that made me feel a little more comfortable.
“My boyfriend… he broke up with me.” Suminghap ako ng hangin. “With a text message,” tuloy ko pa.
“Whoa… Did he?” gulat na tanong niya.
Tumango ako.
“Mahirap nga ‘yan. I suppose it’ll be better if you divert your thoughts from him,” suhestiyon niya.
“Pero hindi ko mapigilan,” sagot ko.
“Then make yourself busy. Gumawa ka nang gumawa. Kumilos ka nang kumilos. Do so much things to the point na mawawala na siya sa isip m—”
“That’ll never happen,” I replied before he even finishes his statement.
“Of course, it will. Maybe not now, pero hindi never,” he reasoned out.
“Never,” I insisted.
“I don’t know how much you love that man but I know makakalimutan mo rin siya. Believe me.”
“Believe me?” pag-uulit ko sa sinabi niya.
“You are mumbling those words just because you are still into him. Pero one day will come, hindi mo mapapansin, wala na siya sa isip mo. And you were able to get back on your track.” He smiled, so genuine.
“Alam ko hindi mo naiintindihan,”nailing na sabi ko.
“I do. I really do. I’ve been there,”he replied.
“He was my first love,” saad ko.
“And you are gonna tell me first love never dies? Come on. First love dies. That was just created para sa mga hopeless romantic dahil iniwan ng first love at natatakot na pumasok sa bagong relasyon. I have been broken… many times,” he cut me off.
“He made me feel the love I never felt.”
“But it isn’t about it. So what if he made you feel the love you never felt? It’s the purest love that matter. The love given to you with no single doubt. Kahit araw-araw at kahit paulit-ulit, as long as it’s real, it’s something worth value than the love you never found from anybody else.”
I sighed.
“He was my first, and I didn’t like how he ended what we have.”
“How it ended doesn’t matter. What matters is what you had during the process. How you both grew up and learned things together. Do not always think of the flaws in a relationship. You have the chance to look at the favorable perspective. Instead, think of all the good times you had together. That way, you could lessen the anger, despair and even the pain. Siguro you were bound to fix each other para sa mga susunod niyong relationships, better versions na kayo,” he said and it echoed inside me.
“Fine, I didn’t win,” sambit ko at muling nagbuntong hininga.
“Yes! So ano, nanalo ako, okay ka na?”
Ngumiti ako.
“You didn’t win as well.”
“Wait, w-what?” naguguluhang tanong niya.
“You still don’t know why won’t I be able to forget him,” I answered.
“Then tell me.”
“For what? For the sense of proclamation?” Mahinang tumawa ako.
“If that’s what you call it,” he said hesitantly.
“I have hyperthymesia,” diretsong sambit ko.
Sandali siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa mukha niya ngunit pilit niya namang ibinalik ito.
“Mahirap nga ‘yan,” sambit niya.
“Indeed.” I nodded.
“I don’t know what to say, but I suggest just always choose to be happy,” sambit niya habang direktang nakatingin sa mata ko animo’y binabasa ang nasa isip ko.
Ngumiti ako pabalik.
“Stay happy—what’s your name again?”
“Aeshia,” I answered.
“Nice to meet you again, Aeshia. Atleast I now know your name.” He smiled.
Just then he started walking away.
“Uh, Airon. Airon, tama ba?” nauutal na sabi ko.
Nilingon niya ako at gumuhit ang isang ngiti sa labi niya.
“Just call me Air. That way from now on, you won’t be able to live and breathe without me.”