Ayumi Kabi-kabila ang endorsements na natatanggap ng aming grupo. Mapa-local man o abroad ay may dumadating na bagong offer. "Congrats, bes. Isa ka na sa most sought after product endorser," natutuwang sambit ni Hannah sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa nabili kong condo unit malapit sa SC Entertainment sa Makati. Walking distance lang ito sa SC Entertainment. Tinawagan ako ni Hannah para i-congratulate ako sa mga natatanggap kong mga blessings. Simula kasi ng maging isa ako sa miyembro ng Pink Magic, maraming offer sa'kin ang mga malalaking kumpanya for product endorsements. Isa na nga roon ang beer commercial kung saan makakasama ko ang nag-iisang Darren Miller. The Heartthrob Billionaire Superstar of the country. Ang aking celebrity long-time crush. Halo-halong emosyon ang n

