Ayumi Napukaw ang atensiyon ko ng tawagin ako ng stylist. Ang sabi niya palitan ko raw ang suot kong damit dahil hindi raw nababagay sa concept ng gagawing commercial. Tumango naman ako. Agad akong pumasok sa dressing room para magpalit ng damit na inabot sa'kin ng stylist. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Mukhang rock star ang dating ng outfit ko. Sa bagay mas naaayon nga naman itong suotin kesa sa suot ko kanina na floral dress. "AC, aayusan ulit kita. Nabura na 'yang make up mo, day," wika ni Ms. Moira. "Dapat magandang-maganda ka, day," ani Ms. Moira habang nilalagyan ako ng liquid foundation sa mukha. "Yummy pa naman ng kasama mo sa commercial, day. Si Darren Miller lang naman." Hindi na napigilan ni Ms. Moira na kiligin habang pinagpapatansyahan niya si Darren. Napangiti

