Darren "Darren, ano'ng masasabi mo sa bago mong movie na Lost Soul? It's your first time to do a full action movie, right?" tanong ng isang baklang media press sa'kin. Nasa isang press conference ako ngayon ng bago kong pelikula na Lost Soul. Nakasuot ako ng business suit para sa okasyong ito. Sabado ngayon ng hapon. Nandito kami ngayon sa may Dusit Thani hotel para sagutin ang mga katanungan ng press na nasa aming harapan. Kasama ko ang mga co-actors ko sa pelikula. Matagal din ang naging preparasyon namin para sa pelikulang ito. At sa wakas ay mapapanuod na ito sa buong sinehan sa bansa sa susunod na linggo. "Yes, it's my first time to do an action movie. Kaabang-abang ang mga eksena sa Lost Soul. Kaya sana ay suportahan ng mga fans. Makikita nila ang ibang Darren sa pelikula. Saka m

