Ayumi
Maaga akong nagising ngayong umaga para maglinis ng bahay. Sabado ngayon. Nagluto na muna ako ng almusal namin dahil wala si Mommy. Ipinasok kasi siya ng isa kong tita bilang mananahi sa may bayan.
Ginagawa ni Mommy ang lahat para lamang maitaguyod niya kami ng nakababata kong kapatid na si Akioh. Kaya naman gustong-gusto kong matulungan si Mommy. Kaya hindi na namin inaasa sa kaniya ang mga gawaing bahay. Maliban nalang sa pagluluto. Dahil hilig niya rin ang pagluluto.
Noong high school nga ako ay nagbebenta ako sa mga kaklase ko ng lutong ulam pandagdag sa baon ko.
Inumpisahan ko munang linisin ang aking kwarto bago ko nilinis ang buong bahay namin. May pagka-OC kasi ako. Hindi ako mapakali kapag makalat ang bahay namin. Kaya naman lagi kaming nagtatalo ng kapatid kong si Akioh dahil makalat ito sa bahay. Kahit pati ang mga damit niyang sinuot at underwear ay lagi na lang niyang nakakalimutang nakasampay sa banyo matapos niyang maligo.
Bakit ba kasi ang kalat-kalat ng mga lalaki sa bahay?
O baka ang kapatid ko lang talaga ang lalaking sadyang makalat sa bahay. May kapitbahay naman kami na barako, pero sobrang linis sa bahay. Dinaig pa ang ibang mga babae pagdating sa kalinisan.
Nakatapos na ako't lahat ng gawaing bahay ay napansin kong ang tinamaan ng magaling kong kapatid ay abala sakaniyang cellphone.
Napakunot-noo ako.
Aba't makakatikim nanaman 'to sakin ng sermon.
"Aba, ang galing mo rin 'noh? Wala ka ng ginawa maghapon kundi mag-t****k. Ni hindi mo nga malinis yang kwarto mo. Kay aga-aga puro ka t****k!" inis na sambit ko sa nakababata kong kapatid na si Akioh.
Hayun at puro t****k ang inaatupag. Kay aga-aga kumukulo na agad ang dugo ko sa pinaggagawa ng pasaway kong kapatid.
"Aga-aga nanenermon ka nanaman," sambit nito habang kakamot-kamot sa ulo.
"Eh, bakit? Ano bang napapala mo sa kaka-t****k mo? Yung module mo nga hindi mo masagutan ng maayos."
Napapailing nalang ako dito sa kapatid kong pasaway. Wala ng ginagawang matino sa buhay. Sa halip na unahin ang pag-aaral iba ang inuuna.
Sayaw nalang siya ng sayaw tapos puro papogi sa t****k. Laging naka-topless pagmagvi-video siya. Lagi niyang pinagyayabang 'yung six-pack abs niya. Dumami ang fans niya dahil doon. Malapit na ngang mag one million followers ang tinamaan ng magaling na lalaki na 'yon.
Pa'no ba naman, puro papogi ang alam. Inaamin ko gwapo nga talaga 'tong kapatid kong si bukyo. Matangkad. Mas matangkad na siya sakin ngayon. Chinito. Tisoy. Pero sobrang tigas ng ulo. Hindi man lang marunong makinig. Kaya lagi kong napapagalitan. Saka lang siya susunod kapag galit ka na. Tatanda ako ng maaga dito sa kapatid kong 'to.
"Ano na naman 'yang binubulong-bulong mo diyan? Nakakainis ka na!" gigil na sambit ko.
"Eto na nga ho, maglilinis na," tugon nito na parang nang-aasar pa. Itong lalaking 'to talaga inuubos ang pasensya ko.
"Nako Bukyo, tigil-tigilan mo ko 'ha. Ako na lahat ang gumagawa ng gawaing bahay dito," asar na sambit ko.
Padabog nitong isinara ang pintuan ng kaniyang kwarto. Nakakagigil na talaga ang isang 'yon. Ni hindi man lang ako tulungan sa mga gawaing bahay.
Buong maghapon kaming hindi nag-imikan ng kapatid kong si Bukyo matapos ang away namin kaninang umaga.
Kapag pinansin ko pa siya ay giyera na naman. Buti ba kung kami lang ang tao dito sa lugar namin. Mahilig pa naman makipagtaasan ng boses ang kapatid ko. Nakakahiya sa kapitbahay. Ngunit siya ay hindi marunong mahiya.
"Bes, binigyan ako ni Tita ng dalawang VIP tickets para sa concert ni Darren next week! Ibibigay ko sa'yo ang isa," ani Coleen.
Ka-chat ko siya ngayon sa f*******:.
Ang Tita kasi ni Coleen ay nagtatrabaho sa malaking TV network dito sa bansa. Kapag may mga concert tickets kasi ng mga international or local artist ay nabibigyan ang best friend ko ng ticket ng Tita niya.
Kadalasan ay nabibigyan niya rin ako ng free ticket. Pero etong kay Darren ay first time niya lang din mabigyan ng tita niya ng VIP ticket. N'ung mga previous concerts kasi ni Darren ay nagkaubusan na. Kaya 'di siya pinalad mabigyan ng tita niya.
"Talaga, bes? Yie, ang swerte naman," hindi maipinta sa aking mukha ang saya.
Dahil for the first time ay makakapanuod na ako ng live concert ni Darren. Sa Mall of Asia Arena ito gaganapin. Ambilis ngang ma-sold out ng concert tickets ni Darren. Grabe, dinaig niya pa ang mga international artist na nag-coconcert dito sa bansa.
"Oo, alam na this." Sambit niya.
"Kaso may problema, bes. Wala akong budget pamasahe papunta 'don," malungkot kong tugon.
Wala kasi talaga akong pera ngayon. Kapos pa kami sa budget ng pamilya ko. Kaya hindi rin ako makakahingi kay mommy ng pamasahe papunta sa Mall of Asia Arena.
"Huwag mong problemahin 'yun, bes. May ipon naman ako. Pahiramin muna kita ng pamasahe."
"Hindi nga? Sige, sige. Thank you talaga, bes. Bayaran nalang kita pagnatanggap ako sa in-apply-an kong work sa fast food," sambit ko.
Nag-apply kasi ako lastweek sa isang kilalang fast food chain. Tutal tumigil nanaman ako sa pag-aaral, maghahanap muna ako ng trabaho pansamantala. Habang naghihintay rin ako ng results ng final audition ko sa isang newest girl group sensation na Pink Magic.
Sana talaga matanggap ako doon. Malaking tulong iyon sa pamilya ko at para na rin in the near future ay makapagpatuloy ako sa pag-aaral sa kolehiyo.
"Kahit kelan mo 'ko bayaran, bes. Okay lang sa'kin," sambit ni Coleen.
Hindi ko na rin maitago ang excitement ko sa nalalapit na concert ni Darren. Masuwerte talaga kami ni Coleen dahil ang mga fans na may VIP ticket ay pwedeng makalapit kay Darren para magpa-picture at autograph na rin. Meet and greet with Darren is what we've waiting for.
Kahit kelan talaga 'tong kapatid kong si Bukyo. Matapos kumain ay hindi man lang niya hugasan ang pinagkainan niya.
Napailing ako. Tsk. Nakakabuwisit talaga.
"Bukyo! 'Yung pinagkainan mo naman tinambak mo lang sa lababo. Sinong maghuhugas nito? Ako nanaman? Puro ka t****k diyan!" inis na bulyaw ko sa kapatid ko.
Malamang nagti-t****k na naman ang tukmol na 'yun sa kaniyang kwarto. Kaya kinatok ko na ang pasaway kong kapatid.
"Buksan mo 'tong pinto!" singhal ko.
"Liligpitin na 'ho," sambit niya.
Lumabas na siya ng kwarto. Naka-boxers lang ito kahit na ang lamig-lamig dahil may parating na bagyo, ay naka-topless pa rin ang walang hiya.
"Siya nga puro Darren na lang ang bukambibig sa kaibigan niya," mahinang sambit nito.
Bumubulong-bulong na naman ang mokong.
"Kesa naman sa'yo. Ni walang sulat ang mga module," sambit ko at inirapan ito.
'Yan ang napapala ng pagbababad niya sa social media.
Hindi man lang nagalaw ang modules niya. Panigurado mapapatawag na naman si mommy sa school nila dahil sa pinaggagagawa ng magaling kong kapatid.
"Edi wow. Ikaw ng matalino," sarkastikong tugon ng kapatid ko.
Hindi ko na lang pinansin dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa kapatid kong 'yon. N'ung nasa Japan naman kami hindi 'yan ganiyan katamad dahil lagot siya kay Daddy. Disiplinado siya roon.
Dumating si Mommy galing palengke. Namalengke siya ng mga isda, karneng baka at gulay. Itinigil na namin ang pagkaen ng karneng baboy dahil highblood si Mommy.
Inayos ko ang mga pinamili ni mommy at inilagay ang mga ito sa loob ng refrigerator.
"Mommy, ano'ng lulutuin kong ulam mamaya?" tanong ko kay mommy.
Ako ang nagluluto ng ulam namin. Kung minsan ay si Mommy ang nagluluto kapag hindi siya pagod.
Si Bukyo? Naku huwag niyo ng tanungin. Ang alam lang niyan ay magpa-pogi. Hindi naman maasahan 'yan sa gawaing bahay. Alam lang n'un, eh, lumandi. GGSS. Nakakaasar.
"Beefsteak na lang ang ipaluto mo mommy para sa hapunan." Sabat ni Akioh.
Edi ikaw magluto. Sabi ko sa isipan ko.
"Beefsteak daw 'nak sabi ni bunso."
Napairap ako sa kapatid ko. Feeling prinsipe. Hindi kami nag-aaway ng kapatid ko sa harapan ni mommy. Dahil dati n'ung galit na galit si mommy samin ni Bukyo, halos atakihin na siya. Kaya iniiwasan naming mag-away sa harapan nito.
"Okay, beefsteak nalang lulutuin ko," sambit ko.
Matapos naming maghapunan ay kusang kumilos si Bukyo para hugasan ang pinagkainan namin. Pakitang tao lang naman 'yan kapag nandiyan si mommy. Sipag-sipagan kunwari.
Dahil na-curious ako sa kinaaadikan ng kapatid ko na app na t****k ay naisipan kong i-download ang app na iyon. Hindi naman talaga ako mahilig makiuso sa kung ano ang in ngayon. Lagi nga akong nasasabihan ng mga kaibigan ko na late bloomer daw ako.
Kasi hindi naman din ako mahilig magbabad sa social media hindi tulad nila. Nag-download ako ng app na iyon at ginamit ang aking f*******: account para mag-sign in.
I followed all my celebrity idols. Walang t****k account si Darren. Kasi i********: lang ang meron siya. Minsan na nga lang din mag-post ng picture 'yun sa Ig.
I stalked my younger brother's t****k account. Hmph. Ang dami niya talagang followers na mga babae. Famous na ang kapatid kong ubod ng tamad. Meron ding mga foreign girls na type na type ang mokong.
Nag-scroll ako sa home page at ang dami kong nakitang gwapong TikTokerist.
Oh My God. Ayokong magkasala kay Darren.
Ang guwapo-guwapo ng mga foreigner na TikTokerist na nakikita kong sumasayaw. Parang si Akioh din na laging naka-topless ang mga gwapong lalaki roon. Pero siyempre, loyal ako kay Darren.
Darren lang sakalam! Hindi na nga ako makapaghintay na makitang muli ang ultimate crush at idol ko na si Darren Harris Miller.
Kinabukasan ay inanyayahan ako ng matalik kong kaibigan na si Coleen sa kanilang bahay dito lamang sa Silang. Birthday kasi ng tatay niya. Dalawa lang din silang magkakapatid.
Si Coleen ay may nakatatandang kapatid na babae. Graduate na ang ate niya ng college. Simple lang ang sinuot kong damit. Ang bago kong damit na crop top at sexy shorts na maong ang sinuot ko.
"Parang sasayaw lang tayo, ah," nakangiting sambit ni Alora.
Si Alora ay kapitbahay lang nina Coleen.
Classmate rin namin si Alora noong high school. Ewan ko ba, hindi ko kailanman naging kasundo ang babaeng ito. Masyado kasing insecure at inggitera 'yan sa'kin n'ung high school kami.
Ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi niya.
"Gwapo talaga ng kapatid mo gurl, TikToker din pala si Akioh," sambit ni Alora. Type na type niya talaga ang kapatid kong 'yon.
"Oo nga, eh. Puro t****k na lang ang inaatupag nun maghapon sa bahay," nakasimangot na tugon ko.
Natawa naman siya.
"Kaya pala ang daming fans," tugon ni Alora.
Alora also followed my younger brother's account. Minsan pa nga nagco-comment din siya sa mga post ni Akioh.
Nandito kami sa malawak na terrace ng bahay nina Coleen. Si Coleen ay inutusan lang ng nanay niya na maghain ng mga pagkaen. Kaya pinaupo niya muna kami dito sa may terrace nila.
"Balita ko nag-audition ka raw as Pink Magic member?" tanong ni Alora.
"Oo, pero wala pang results 'yung final audition ko."
"Talaga? Huwag mo 'kong kakalimutan 'pag nakapasa ka at sumikat ka na ha?" sambit nito.
Natawa naman ako.
"Wala pa nga, eh. Excited lang?" natatawang sambit ko rito.
"Guys, kain na. Tara roon sa loob," anyaya ni Coleen.
50th birthday ng tatay niya ngayon. Marami-rami rin ang handa nila Coleen. May spaghetti, pancit, sopas, palabok, bilo-bilo, cake, buko-salad, graham cake, saka roasted chicken.
May kaya naman sila Coleen. Kahit na magsasaka ang kaniyang ama eh may mga minanang lupa ang kaniyang mga magulang mula sa lolo't lola niya.
Habang kumakain kaming tatlo sa may dining table ay nabanggit ni Coleen 'yung ticket para sa concert ni Darren next week.
"Bes, bukas pa raw maibibigay sa'kin ni Tita yung ticket para sa concert ni Darren next week. Punta na lang ako bukas sa inyo," sambit ni Coleen.
"Hala, hindi kayo nagsasabi may ticket pala kayo para sa concert ni Darren," sabat ni Alora.
"Dalawa lang 'yon. Hindi ka kasali. Sa susunod ka na lang."
"Luh, ang sama naman," napasimangot si Alora.
Dahil tulad namin ni Coleen, idol niya rin si Darren. Crush na crush niya rin ito.
"Huwag kang mag-alala, kapag may sobrang ticket si Tita, ihahabol kita. Kaso mukhang malabo na. Sa susunod talaga. Promise," sambit ni Coleen.
Nakasimangot pa rin si Alora.
"Okay lang. Inis din naman ako diyan kay Darren," nakangusong sambit nito.
"Bakit?" curious na tanong ni Coleen.
"Eh, kasi naman. Simula ng maghiwalay sila ng ex niya, ang dami-daming naging babae. Napaka-party boy pa. Lagi na lang nasa nightclub."
"Kaya nga, eh. Asar din ako sa kaniya pero manunuod pa rin ako ng concert niya next week," sambit ni Coleen sabay tawa.
Kahit ako man ay naasar n'ung makita ko sa mga tabloids na kabi-kabila ang babae ni Darren.
He headlines every single gossip site recently. Last week, he walked out of a five-star hotel at two different times with two different model. One blonde and the other one is brunette. Both of them draped all over him.
Pati sa social media ay bina-bash na rin ang mga model na nakaka-one night stand niya. Mostly, mga foreign models ang mga 'yun. Type niya talaga ang mga blonde at brunette na model. Wala na talaga kaming pag-asa ng mga kaibigan ko kay Darren.
Napaka-echosera ko talaga. Eh, fan lang naman niya ako.
Ang ilusyonada mo gurl. Bulong ko sa aking isipan.
Alam din namin na hindi niya talaga type si Elissa Yuen. Pero marami pa ring fans na umaasa na magiging sila rin balang-araw. Dahil sweet naman daw ang dalawa off-cam. Ewan lang, pero parang malabo talaga. Kasi may dine-date si Elissa na isang non-showbiz guy.