Ayumi Ngayong gabi ang concert ni Darren sa Mall of Asia Arena. Grabe, dagsa na talaga ang mga tao. Kaya naman maaga kaming bumiyahe ni Coleen. Solo concert ito ni Darren. Tadtad ng posters at banners ni Darren ang makikita mo rito. "Oh My God, bes. Malapit ng mag-perform si Darren," excited na sambit ni Coleen. Hindi na nga mapakali ang kaibigan ko. Lahat ay sobrang excited na makita sa stage si Darren. Excited na ang lahat na mapakinggan ito na kumakanta ng live. Nakaupo na kami ngayon sa VIP seats. Swerte ko talaga sa kaibigan kong 'to. Lagi na lang akong nalilibre sa mga concert. Marami pang fans ang hindi nakapasok. Matiyaga na lang silang naghihintay sa labas ng arena. Nagbabaka-sakaling mabigyan sila ng pansin ni Darren. Halos mabasag ang eardrums ko ng lumabas na si Darren

