Ayumi Isang magandang balita ang natanggap ko ngayong umaga. Kaya naman labis ang aking tuwa. Nagulat pa si Akioh kung bakit ako nagsisisigaw sa kwarto ko kanina. "Oh My God, bes. Nakatanggap ako ng tawag mula sa SC Entertainment. Nakapasa ako sa final audition," tuwang-tuwang sambit ko sa bestfriend kong si Coleen sa kabilang linya. Nasa Maynila kasi siya ngayon. Nasa biyahe ako pauwi sa'min ng makatanggap ako ng tawag mula sa SC Entertainment. Kinumpirma nila na nakapasa nga ako sa final audition matapos ang mabusising pagpili kung sino ang mapalad na magiging parte ng newest girl group sensation. "Hala talaga? Galing naman. Congrats, bes. Tingnan mo, kung hindi pa kita kinulit mag-audition noon hindi mo naman susubukan. Sabi ko sa'yo eh. Makukuha ka riyan," bakas sa boses ni Coleen

