Ayumi Naputol na ang usapan namin ni Hannah nang tawagin siya ng kaniyang pinsan. Suma-sideline rin kasi ang kaibigan kong si Hannah sa pag-tu-tutor. Para pandagdag sa panggastos nila sa araw-araw. Nang sumunod na buwan ay nagsimula na kaming mag-training sa malaking rehearsal studio ng SC Entertainment dito sa Maynila. Every time na may practice ay all-out na agad ang energy namin. Sumabak kami sa singing lesson, dance lesson, acting lesson, at kung anu-ano pa para mahasa ang skills namin. "So, may kapatid ka pala Ayumi," sambit ni Layla. Si Layla ang pinakamatanda sa aming grupo. Siya ang pinaka ate naming lahat. "Oo, lalaki. Pero sobrang pasaway." Tapos na kasi ang practice namin ngayong araw kaya nakakapagkuwentuhan na kami matapos ang maghapong practice. "May picture ka? Patin

