Ayumi Three years later... Makalipas ang mahigit tatlong taong training na pinagdaanan namin ng mga ka-grupo ko ay sa wakas ni-launch na rin kami ng aming management. Thank, God. Napakagandang blessing nito sa amin ng aking grupo. We've been through a lot. Nagbunga na rin ang aming pagod at hirap sa training. "This is it, guys," na-e-excite na wika ni Skylar sa amin. Ngayon ang first-ever concert namin sa Araneta Coliseum. Last month lang kami ni-launch pero inuulan kami ng blessings. Naging successful ang first hit single namin na "Love Potion". Nag-number one nga ito sa lahat ng radio station sa bansa. Certified gold din ang album namin. "Good luck sa'tin. Finally. Eto na talaga ang pinakahihintay ko. Ang makapag-concert tayo sa Araneta," mangiyak-ngiyak na wika ni Layla. Masaya a

