Ayumi Naisipan kong bilhan sina Mommy at Akioh ng pasalubong galing sa Tagaytay. Bumili ako ng buko pie at espasol. Naisipan ko ring mamili ng mga damit at sapatos para sa kanila sa isang mall dito sa Tagaytay. Naghiwalay na kami ng landas ni Coleen dahil may dadaanan pa raw siya. Pumasok ako sa isang boutique para tumingin ng bagong damit para kay Mommy. Halos paulit-ulit na lang kasi ang sinusuot niyang panlakad na damit. Habang tumitingin-tingin ako ng mga damit na naka-hanger sa display area ay may lumapit sa'kin na sales lady. Nakasuot ito ng puting polo shirt at itim na slacks naman sa baba. Naka pusod naman ang kaniyang mahabang buhok. Hindi naman katangkaran ang babae. "Less 20% pa po diyan, Ma'am," sambit ng babaeng sales lady na may name tag na Maris. "Gan'on ba? Dito rin

