Darren "What? Are you out of your mind, Darren?" kunot na kunot ang noo ni Shirlee dahil sa sinabi ko sa kaniya. I request a break from showbiz. Kaya naman nagpunta ako ngayon sa kaniyang opisina para kausapin siya ng personal ukol sa bagay na iyon. "I'm serious, Shirlee. I just want to breathe," matamlay kong tugon. "Paano na ang mga projects mo na naka-line up? Hindi ka ba natatakot na pagbalik mo ay laos kana?" Marahil tama siya. Walang kasiguraduhan sa mundo ng showbiz. Hindi habang buhay ay sikat ako at tinitingala ng mga tao. "Babalik din naman ako sa showbiz. And it won't take that long." Napabuntong-hininga ito. Siguro naiintindihan na niya ang desisyon ko at wala na siyang magagawa kahit pigilan niya pa ako. Buo na ang desisyon ko. Alam kong maiintindihan ng aking mga fans

