Tila nag locked lang sa kanya ang paningin ko habang manigpit siyang nakahawak sa kamay ko. "Ah ehh —ikaw din Brei, lalo kang gumwapo." tila naipit ang boses ko don. "Ive heard na dito ka daw mag sleep over that was fun diba." patuloy pa niya habang ako naman ay nakatulala pa din. "Well I'm so glad anak at nagustuhan mo itong si Kristine. She's a nice girl and very witty. I really like her too." nakangiting sabi pa ni Tito Allan mula sa likuran. "Ay salamat po Tito." magiliw namang tugon ko dito ng makaharap. "My pleasure hija, c'mon let's eat. Ohh Allysa, ikaw na ang mag asikaso sa kaibigan mo ok." sabi pa nito bago tuluyang naupo sa kabisera. Habang ako naman ay hindi pa din makahupa mula sa encounter namin ni Brei. Teka bakit nga ba siya ganito ngayon sa akin? Dati naman sa school

