Kristine's POV After a while ay masaya kaming lumabas ng building. Kagaya ulit ng dati, kami dalawa lang... Mas masaya pa nga ang ganito. Walang buwisit sa buhay, asungot lang ang mga lalake kaya. Bwisit lang sa pagkakaibigan namin. *** Hindi naman kami nahirapan makasakay ng taxi kahit naba sabay-sabay ang labasan. "Ang ganda kasi natin kaya, kaya tayo talaga ang pipiliing pasahero ni Manong Driver." sabi ko pa kay Allysa habang papasakay kami sa isang taxi. "Wag ka kayang maingay no, kakahiya kay manong noh." saway pa nito sa akin. "Hayy kahit kailan ka girl, di kaba talaga aware na napakaganda mo ha." natatawang sabi ko pa rito. Ngumiti lang ito sa akin. "Diba manong maganda naman talaga itong kaibigan ko? Pantasya kaya to ng mga boys sa opisina namin." tanong ko pa kay Manong

