Pagtapat ko sa pinto ng dorm ng Kristine ay sandali pa akong napahinga ng malalim at tsaka marahang kumatok sa pinto. Tahimik lang mula sa loob kaya naman sandali pa akong nakiramdam at muling kumatok ng mahina. "Gurl ikaw ba yan?" sa wakas ay sumagot siya mula sa loob. Nakahinga ako ng maluwag at... "Ako ito friend." mahinang tugon ko habang inaayos ko ang mga dala kong pagkain. "Pumasok kana girl, bukas yan." Napailing nalang akong pinihit ang door knob. "Tsk, kahit kailan talaga si Kristine. Paano kung bigla nalang may pumasok dito kanina." Pagkatapos ko itong buksan ay dahan dahan pa akong pumasok at muli itong isinara at ini-lock na din. "Pwede ba matuto ka kayang maglock ng pinto no." sabi pa dito bago ibinababa ang mga pinamili ko sa maliit na mesang halos katabi lang ng b

