Kristine's POV
Napapailing nalang ako bumalik sa desk ko.
"Kaloka ka talaga Alyssa" natatawa ko nalang bulong sa sarili ko tsaka ko muling binuksan ang laptop ko at nagsimulang magtrabaho.
Hanggang sa may mapansin akong Starbucks Coffee sa tabi ng laptop ko. Kaya sandali ako napatigil sa ginagawa ko at kinuha ko ito.
"Teka lang... At kanino na naman galing ito?"
Halatang bago lang ito dahil mainit pa ito. Kaya kinuha ko ito at inamoy-amoy mula sa maliit na hole nito.
"Hmm.. s**t ang bango talaga ng Espresso..." at matic na ito lumapit sa labi ko at nag zip ako mg kaunti.
"Akala mo Alyssa ha. Kung may boss kang taga timpla ng kape, pwes may Starbucks Coffee Supplier naman ako noh." nangingiti ko pang bulong.
Pero sino naman kaya ang mokong na yon?
Sandali ko pang tinitigan ang Styro Tumbler at binusisi ito.
"Haist wala man lang message o note kaya, ano ba yan." maktol ko pa ngunit patuloy naman ako sa pag-inom nito. Habang lumilingon-lingon sa paligid ko.
"Kung sino ka man, salamat sa daily supply mo ok. Kapag naubos sweldo mo hayy bahala kah." sabi ko pa tsaka muli akong humarap sa laptop at nagtrabaho.
Lunch Break
"Huyy loka-loka kumain na tayo."
"Ay kabayo ka!" nagulat na sabi ko dahil sa biglang pagtapik sa akin ni Alyssa.
Kaya natawa naman ito.
"Gawin ba akong kabayo noh, ikaw nga lang tong inaaya kaya." nakangiting reklamo nito sa akin.
"Haha sorry naman, nangugulat ka kaya, teka saan mo ba gusto kumain ha?" tanong ko pa.
"Ikaw basta treat ko." masayang sabi ni Alyssa.
Sandali ko pang hinawakan ito sa noo.
"Teka wala ka naman lagnat ah, at anong meron aber para manlibre ang isang reyna ng kuripot sa opisina na ito huh." biro ko pa.
"Maka reyna ka naman, who is talking." nakatawang tugon nito.
"Oo na parehas lang tayo kaya noh, basta feel ko lang ilibre ka. Iyon ay kung hindi ikakasama ng loob mo." sabi pa nito.
"Sige na nga baka magtampo kapa noh, pagbigyan na kita." nakatawang biro ko.
"Ang lagay utang na loob ko pa ngayon, nakakahiya naman pala sa yo." si Alyssa.
"Para gusto ko sa Subway, nagsasawa na ako sa fried chicken no, pakiramdam ko nga ay malapit na akong magkapakpak kaya." sabi ko pa.
"Loka loka, matagal ka ng may pakpak no." si Alyssa.
Kaya natawa ako talaga.
"Pekpek yon gaga, tara na nga."
***
Tulad ng request ko sa Subway kami ng lunch. Maiba naman, at mukhang sulit naman dahil satisfied kaming dalawa sa kinain naming overloaded na sandwich. Malayong-malayo sa nakagisnan kong sandwich sa amin sa Bulacan.
"Gurl punta lng ako restroom ha." si Alyssa
Napatango na lang at mas piniling mag retouch ng makeup at lipstick mula sa kinauupuan ko.
"Excuse me Miss Pretty."
Sandali akong napahinto sa ginagawa ko at napatingin sa kanya habang nakangiti itong nakatayo at nakangiti sa akin.
Gwapo ito, super hunk ang datingan, matangkad, maputi at matangos ang ilong na lalong nagpagwapo sa maliit na mukha nito.
Teka kikiligin naba ako ha...
"Yes hello." nakangiting tugon ko dito.
"Kanina ko pa kayo tinitingnan mula sa doon. Parehas kasi kayong maganda." patuloy pa nito.
"I know." matipid na sabi ko.
"Im glad you are aware of it." sabi nito.
"No! Sabi ko I know na tinitingnan mo kami kanina pa noh." sabi ko.
Napakamot ito sa ulo niya.
"Ang ganda mo kasi."
Sandali akong natigilan.
"Alam ko din yan, pero mas maganda ang kasama ko kesa sa akin. Mas sexy din, ako kasi tabatchoy." sabi ko.
Natawa ito.
"Tabatchoy agad? I disagree dahil ikaw ang totong definitionng sexy no, At pwede ba hindi ka tabatchoy kaya." sabi pa nito.
"Ahh ok, malaman lang ganon."
Natahimik ito.
"By the way I'm Mickie." casual na sabi niya at ini offer ang kamay niya.
"Nice meeting you Mickey, I'm Donald." biro ko.
Natawa ito.
"Sige na nga, I'm Kristine and nice to meet you too." nakangiting sabi ko.
"Honestly, attracted talaga ako sa kasama mo." siryosong sabi niya.
"A kay Alyssa ba?"
Tumango ito.
Eto na nga ba sinasabi ko e si Alyssa na naman ang bida sa eksena.
Hay nako biglang uring tuloy ang kilig ko, susme kay gwapo pa naman sana...
"Pwede ba ako maupo Kristine?" medyo alanganing sabi pa nito.
Habang ako naman ay ipinagpatuloy ko lang ang pagre-retouch.
"Sige lang upo ka lang diyan mamaya lalabas na yon para kasing nasira tiyan siguro kaya naglabas ng sama ng loob sa restroom." biro ko pa habang nakatingin lang ako sa compact mirror ko.
Napansin ko naman na pasimple itong napatawa sa sinabi ko. Hanggang sa natanawan ko na ulit si Alyssa na nakangiting papalapit sa amin.
"O ayan nandito na pala siya, mas mabuti siguro sa kanya ka personal na magpakilala ok." bulong ko pa dito, at napatayo nga ito ng dumating si Alyssa.
"Ah e hh he---lloo...Miss A-llysa." medyo asiwa pang bati nito sa kaibigan ko.
"Haist dinadaga pa yata.." bulong ko pa.
Sandali namang natigilan si Allysa at napatingin sa kanya.
"Teka? Do I know you Mr.?" medyo naiilang din na tanong nito sa kanya.
"Ah siya pala si Mickie best, gusto ka daw kasi niya makilala.Mukhang popormahan ka." rekta kong sabi kay Alyssa na sandaling nagpa asiwa kay Mickie.
"Ay ganon, he---llloo.." nasabi nalang ni Alyssa habang iniaabot nito ang kamay niya sa lalake upang makipag shake hands sa kanya.
"Please to meet you Allysa..."
"Like wise." nakangiti namang tugon nito.
Hay nako ang kaibigan ko ang landi lang, porket gwapo noh..
"Upo pala tayo Mickie." sabi pa nito.
"Ok thanks ha, totong napakaganda niyo talagang magka-ibigan." sabi pa nito habang nakatitig lang kay Allysa.
"Ano pala friend, musta sa loob? Success ba ha?" loko ko pa dito ng makaupo sila.
"Huh?" wala sa loob naisagot ni Allysa sa akin.
Sandaling napatikhim si Mickey dahil sa pinipigil na tawa dahil sa sinabi.
"At ano naman kaya pinagsasabi mo habang wala ako huh!" nakatawang sita pa niya sa akin.
"A wala naman sabi ko busy ka sa pagpapaganda sa loob ng reatroom." sabi ko pa.
"Iihh ano nakakahiya sa bago nating kakilala kaya." bulong pa nito sa akin.
"Ang arte huh.." tugin ko dito sabay irap.
"Ano ba kasi pinagsasabi mo huh? At anong success? Ikaw ha.." nakatawang sita pa nito sa akin.
Sandali akong napatawa at tumingin kay Mickie.
"Huy Mickie, may gusto kaba sa kaibigan ko ha. Kailangan mapa-oo mo muna ako bago siya ok!" maigas na sabi ko dito.
"Yes I really like Alyssa, she is amazingly beautiful..." tugon nito habang nakatitig pa sa kaibigan ko.
Halata namang kinilig ang loka, at medyo namula ang mukha...