3rd Person
Dahil sa incident na yon ay nagsimula ang panibagong level ng samahan ni Alyssa at Kristine. May dumagdag ng isang Mickie sa buhay nila.
Si Mickie na sa simula pa lang ay nagpakita na ng interest para sa dalaga. Palagi na din itong nasa labas office nila kapag mag out na sila from office upang sunduin si Alyssa.
"Uy friend sorry naman, medyo makulit kasi si Mickie eh, sabi ko naman sa kanya huwag na niya akong susunduin pa dito." katwiran pa ni Alyssa minsan palabas sila ng office matapos nilang mag biometrics.
"Sus oks lang yon friend, syempre darating naman talaga yan no, ang makakahanap ka ng the one mo dabah at syempre ako din naman balang-araw." patuloy pa ni Kristine.
"Well siguro nga ganon talaga, pero parang ayoko non friend. Ngayon pa lang nalulungkot na ako." si Alyssa.
"Noh kaba, magdo-dyowa ka lang kaya helloo. Sus to, para namang lilisan kana sa mundo sa magtitira ka diyan." natatawa pang sabi ni Kristine.
"Iihh basta, gusto mo i friendzone ko na yang Mickie na yan. Sabihin mo lang friend." si Alyssa.
Sandaling napatigil si Kristine mula sa paglalakad nila at tumitig kay Alyssa.
"Alam mo friend, kilalang-kilala kita no. Alam kong gusto mo siya at halata kaya noh." si Kristine.
Napabugtong-hininga nalang si Alyssa.
"See, I dare you. Magre-resign ako agad-agad kung di totoo sinasabi ko ano. Yang kilig mo na yan at ganyan galawan.. tsk tsk." nakatawang sabi pa nito habang umiiling.
"Tara na nga friend sa labas na tayo pero paano ka?" worried pang tanong ni Alyssa.
"E paano nga ba ko, e di magta taxi at uuwi. Alangan naman samahan ko pa kayo sa date niyo noh, mamaya maakit pa yon sa akin at sa akin manligaw." natatawa pang biro ni Kristine.
"Loka-loka ka talaga, ayoko nga." tuging biro pa ni Alyssa.
"Haha e di umamin ka ding kinikilig ka kaya kanina pa. Baka nga wet kana diyan eh sa sobrang excitement." natatawa pang bulong nito.
"Grabeh ka wet agad, bunganga mo nga." saway pa ni Alyssa sa kaibigan habang napapalingon sapaligid.
Kaya nagkatawanan nalang sila at lumakad na palabas.
''Remember isa lang taste natin kaya wag ako ok.'' si Kristine.
''Oo na..Ewan ko sayo''
***
Dahil 6:00 PM na ay medyo padilim na din ang paligid ng makalabas sila ng building. At sakto namang nandon na si Mickie at nakangiting kumakaway sa kanila habang nakasandal ito sa Black Ranger Pickup Truck na sasakyan nito.
"Sorry I'm late, may tinapos pa kasi kami sa office." agad pang paliwanag ni Alyssa sa lalake habang hinahawi pa nito ang kanyang mahabang buhok.
''Ang arte huh...''
Habang si Kristine naman ay napapatirik ang mata sa naging gesture ng kaibigan.
"It's ok Alyssa, ang mahalaga you're here at napakaganda mo today." sabi pa ni Mickie habang titig na titig lang sa kanya.
Tsaka muling bumaling sa lalake si Kristine
"Hoy Mr. ayusin mo ha, at wag mo masyado titigan yan noh, baka maubos ganda niyan." biro pa ni Kristine kay Mickie.
Kaya napakamot nalang ito sa ulo niya.
"Ayy ganon ba? Sa tungin ko kahit magdamag ko titigan si Alyssa, lalo lang siyang gumaganda eh." patuloy pa nito.
"Hay nako, sige na nga baka wala pa akong masakyang taxi dahil sa inyo." sabi pa ni Kristine habang kumakaway sa kanila.
"Iihh aalis ka na ba friend?" malungkot na tanong sa kanya ni Alyssa.
"Natural, alangan namang magbantay pa ako sa bolahan niyo no. Hoy Mickie, ibalik mo kaibigan ko ng buo mamaya ok. Kundi humanda ka talaga aa akin!" siryosong sabi pa ni Kristine kay Mickie.
"Yes Kristine, promise I will take care of her." nakangiting tugon pa nito.
"Oh ayan friend nangako na siya, aalis na ako ok." sabi pa niya kay Alyssa habang bumibitaw sa kamay nito.
"Ok friend mag-iingat ka ha." si Alyssa.
"Ikaw ang mag-iingat ok." habang nakangiting nakatingin kay Mickie at Alyssa.
Alyssa's POV
Naging masaya naman ang first date namin ni Mickie. Unang-una may sense naman ito kausap at malakas din ang sense of humor nito kaya di naman ako nainip na kasama siya.
At isa pa ay napaka gentleman niya, mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.
Higit sa lahat ay mayaman siya at galing sa may sinasabing pamilya. Businessman ang Daddy niya while ang mommy niya ay isang Doctor.
Ano pa nga ba ang mahihiling ko sa isang lalakeng katulad niya.
Wala na siguro, kailangan ko nalang kumbinsihin ang sarili ko na gustuhin siya, dahil alam ko namang may future ako sa kanya.
"Diyan lang ang sa amin Mickie, sa next gate na brown." sabi ko dito habang tahimik lang nagda drive at may mahinang melody ng music mula sa car stereo niya.
"Ok"
Mabilis naman ang pagkilos niya at kinabig ng bahagya ang manibela, at tsaka siya nag hazard habang hinihila ang handbreak ng sasakyan niya.
"Thank you Alyssa for the wonderful night." mahinang sabi niya habang nakangiting nakatitig sa akin.
"Same here Mickie, thank you." mahinang sabi ko habang nakatingin ako sa dashboard niya at nakita ko din ang oras mula doon.
9:12 PM
"Ihatid na kita hanggang sa loob."
Sandali akong napailing.
"Baka nandiyan na sila, maybe next time kapag ready na ako ok." tsaka ako ngumit sa kanya at ini-unlock ang seatbelt ko.
"I don't insist I should wait for the right time baby."
Napatikhim ako sa sinabi at..
"Ok again thank you Mickie." sabi ko pa bago ko hinatak ang lever ng door lock.
"Tomorrow.. I will pickup you here."
I sighed...
"It's up to you." matipid kong sagot tsaka ako tuluyang bumaba sa sasakyan niyan at kumaway.
Ngumiti pa siya sa akin bago niya muling naisara ang pinto ng sasakyan at tuluyan ng umalis.
Sandali akong napasandal sa gate. Until now hindi pa din ako makapaniwala. I am dating now with a guy.
Teka nasanay yata ako masyado na si Kristine lang ang kasama ko palagi.
Teka kumusta na kaya friend ko?
Nakauwi kaya siya ng maayos?
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang gate at iniluwa noon ang matangkad na imahe ni Brei.
"At ano ang plano mo diyan ate, hintayin makabalik ang date mo?" walang emosyong sabi nito at tsaka tumalikod.
"Alam mo?" wala sa loob na nasabi ko.
Sandali pa itong napahinto at humarap sa akin.
"Hula ko lang, at umamin ka naman agad tsk tsk." sabi pa niya tsaka muling lumakad palayo sa akin.
Ano ba yan, bakit nga ba umamin ako agad. Hay nako ang gaga ko talaga.
Napapailing nalang akong pumasok ng gate at sinundan si Brayden.
"Brei wait..nandiyan ba sila mommy ha."
Muli itong huminto at timingin lang sa akin tsaka muling lumakad palayo.
"Hay nako, bakit nga ba kita kinakausap, hindi na ako nasanay."