Alyssa POV
As usual nakipag-usap ako sa hangin.
Tuloy-tuloy si Brayden sa kusina kaya sinundan ko nalang. Ngunit sandali akong napa hinto ng makita ring may nakahanda ng pagkain sa mesa.
May nakahanda na ding mga plate, spoon, fork at glass. At sa gitna naman ng mesa ay may Pork Tocino, Breaded Fried Chicken at Steamed Rice. Meron ding Mango Juice.
Napangiti ako, mukhang mapapakain na naman ako kahit galing na kami ni Mickie sa Dinner Date.
"Ikaw ba ang naghanda ng lahat ng to Brei? Nasan sila mommy?" tanong ko pa habang nauupo sa Dining Chair
"Tss.. silly question. Nakalimutan mo na bang ngayon ang House Warming Party nila Tita Beth. O sadyang wala ka lang pakialam." si Brei habang nakaupo na at kumukuha ng rice mula malaking plate.
Sandali akong napahawak sa bibig.
"OMG! We're supposed to be there right." sabi ko pa.
Ngunit nanatili lang tahimik si Brei at nagsimula ng kumain.
"Tama baka nag text si mommy.."
Tsaka ako tumayo at mabilis na bumalik sa living room upang i-check ang phone ko. Ngunit napahawak nalang ako sa ulo ko at hinawi ang buhok ko habang takot na binubuksan ang mga measages ni mommy.
"OMG!! nagagalit si mommy, iihh bakit ba kasi naka muted ang phone ko. Nako patay ako mamaya."
Pagkabasa ko ng mga messages ay ibinalik ko sa bag ang phone ko at mabilis na bumalik sa kusina.
"Brei, baka pwede mo ako samahan kila Tita, sige na please." sabi ko pa dito habang nilalambing ito.
"Tsk, too late ate. The party was done already. Maupo ka nalang diyan at kumain. Istorbo!" sabi pa nito habang patuloy lang sa pagkain at nakamasid sa phone niya at naglalaro.
"Grrr.. kainis!" wala sa loob na nasabi ko.
Kaya binaling ko nalang inis ko sa pagkain. Still kahit super suplado si Brei may pagka sweet din naman talaga ito. Dahil ang inihanda niyang pagkain ay para talaga sa aming dalawa.
Napansin ko ding medyo malamig na ang niluto niya dahil siguro sa paghihintay niya sa akin. Dati kasi ay nakakauwi ako ng 7:00 PM lang ngunit ngayon ay nasa almost 9:00 PM na. Medyo na touched pa ako dahil kahit nagugutom na siya ay hinintay niya talaga ako para sabay kaming kumain.
"Thank ypu pala Brei." nakangiting bulong ko dito habang kumukuha ako ng chicken.
Napatingin siya sa akin sandali.
"Saan naman?" walang emosyong tugon nito.
"Dahil dito." tsaka ako tumingin sa mga inihanda niya.
"Inutuasan lang ako ni mommy na gawin yan. Kainis nga e. Dapat ikaw gumagawa niyan." umiling pa ito at tsaka muling kumain at humarap sa phone niya.
I sighed...
"Whatever... thanks."
Hindi naman ito kumibo at patuloy lang sa ginagawa niya.
Bakit nga kaya ganito ka-cold si Brei, pero natutuwa ako sa personality niya. Maybe dahil kapatid ko pa din siya. Kaya naman kumain nalang kaming dalawa ng sabay.
At syempre walang usapan no, pakiramdaman lang.
Kristine
"Good morning sir." masiglang bati ko pa kay Mr. De Castro, ang Chief Managing Director ng Affinity Marketing. Habang sabay kaming sumakay ng elevator.
"Yes good morning hija, you look more pretty everyday." masiglang tugon pa nito sa akin.
"As always sir, thanks."
"Ting"
Matamis pa ito ngumiti sa akin bago ito tumalikod, habang ako naman ay diretso lang patungo sa Department namin.
Until maalala ko si Alyssa kaya lumiko muna ako sa department niya.
"Good morning sa napaka pretty kong friend, how was your date naman ha?" masaya ko pa dito na talagang ikinagulat niya.
"Hay para ka talagang ano bigla-bigla ka nalang lumalabas." nakatawa pang sabi nito habang nakatingin sa akin ngayon.
"Parang ano naman to? kurutin ko pa tuka mo diyan eh." natatawa ko pang biro sa kanya.
Halatang natawa ang ibang kasama ni Alyssa sa sinabi ko kaya tumikhim pa ito tsaka ako tiningnang ng masama.
"Gaga ka talaga, humanda ka sa akin mamaya." banta pa niya habang nakatawa, ngunit namumulaang mukha sa hiya.
"Luh.. At ano gagawin mo huh?" natatawa kong tanong.
"Hihilahin ko din yan kaya." natatawang sabi niya.
"Nako mahirap na haba pa naman ng kuko mo kaya, later na lang tayo mag-usap." sabi ko pa tsaka kumaway dito tsaka tumalikod na.
At masaya akong lumakad patungo sa station ko.
Masaya ko namang binati ang mga ibang kasama kong nakakasalubong sa hallway.
Well sanay na sila sa akin, lagi daw akong hyper at full of energy kaya naman mas madalas ay ako ang nagdadala sa friendship namin ni Alyssa ngunit ngayon ay paano na?
Iihh meron na siyang dyowa...
Kaya pabagsak akong naupo sa swivel chair ko.
Ngayon palang nalulungkot na akong isipin na may kaagaw na ako sa friendship ni Alyssa.
Hayy sana naman makahanap din ako...
Hanggang sa mapatuwid ako ng upo ngay maalala ako.
"Ayy teka nasan ang Starbucks Supply ko?"
Ngunit wala ito sa nakasanayan kong pwesto niya dapat.
"Luh bakit wala.. Iihh dapat nandito lang yon sa tabi ng laptop ko." inis na bulong ko pa habang lumilingap pa din ako.
Sa totoo lang kasi ay nasanay na ako talaga na may dinadatnan akong libreng supply dito. Pero bakit wala na ngayon.
"Nako naman baka kaya may kumuha o nangnakaw kaya ng kape ko. Eh sino naman kaya?" bulong ko pa habang palingap lingap ako.
"Ito bang hinahanap mo Tin?"
Hanggang mapatigil ako at sandaling napatulala.
Masyadong familiar ang boses niya.
"Sir Adrian?"
"Yes it's me, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" natatawang sabi pa nito.
Siya si Sir Adrian Alvez, ang Department Head ng Marketing Department. Ang super hot at gwapo kong boss ohh my goshhh, mahuhulog yata panty ko.
Pero teka lang? Bakit nasa kanya ang kape ko? Hindi kaya?....
Kaya bumwelo ako at.
"Teka bakit nasa iyo pala yan Sir? Ikaw lang pala kumuha. Nahilo pa ako kakahanap diyan kaya." pigil ang taray kong sita sa kanya. Pero syempre naka smile ako.
"Eto nga ibibigay ko na diba, sorry naman na-late lang ako sa pagbili niyan, mahaba kasi pila." kampanteng sabi niya.
"Huh?"
OMG, di kaya siya yong? Teka parang maiihe akong ewan wait lang.
"Bakit bakit ganyan ang reaction mo?" nakangiting sabi niya na lalong nagpaliit sa napaka cute niyang mata.
"Ah eh wala Sir Adrian, teka ikaw ba yong bumili kamo niyan huh?" paglilinaw ko pa.
Muli siyang ngumiti at at inilapag ang two tumbler ng Starbucks Coffee sa ibabaw ng mesa ko at tsaka siya naupo. At bumaling sa akin.
"I'm glad nagustuhan mo ang Daily Morning Treat ko sa iyo." patuloy niya habang nakatitig lang siya sa akin. Tila tuloy matutunay ako dahil don.
Sa hiya ba? O sa sobrang kilig?
"Daily morning treat?" pag-uulit ko pa sa sinabi niya.
"Yes my dear Kristine, you hear it right."
"Dear Kristine?"
Natawa nalang ito, hindi ko din alam kung ano nga ba ang ayos ko habang nasa harapan niya. Basta ang alam ko ay sobrang kinikilig ako talaga.
Crush kaya namin siya ni Alyssa, tapos siya pala yong.... Oh my God!!