Kristine
"Tutulala nalang ba tayong dalawa? Let's enjoy the coffee while it's hot diba." nakangiting sabi sa akin ni Sir Adrian.
Sandali akong natauhan at sandaling napatingin sa dalawang coffee na nasa harapan ko. Teka hindi ba ako nananaginip ha? Totoo ba talaga to?
"Ako na mauuna uminom ha." paalam pa nito bago kinuha ang isang Styro Tumbler at humigop siya mula rito.
"Parang mas masarap ang kape nila ngayon. Tama ba Miss Kristine?" sabi pa nito matapos ibaba ang tumbler niya.
Hindi naman ako nakakibo at sinimulan na ding kunin ang coffee na para sa akin at humigop ako.
"Yes sir tama ka!, ito na yata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko." kinikilig na sabi ko.
Natawa siya.
"So yung mga binibigay ko pala sa iyo dati hindi kasing sarap niyan?" nakangiti pa ding sabi niya.
Hay nako sir, utang na loob pleaae huwag mo akong titingnan ng ganyan dahil lumalabas na landi ko sa katawan omg! Nasa 70% na yata. At paano ko naman kaya sasagutin yung tanong niya.
Nako naman.
"O ano hindi kana sumagot diyan?" tanong pa niya habang nakatitig lang siya sa akin.
Teka lang kaya natataranta kaya ako noh...
"Huh ah e masarap din sir, pero mas masarap yun ngayon. Ayun ganon sir." nasabi ko nalang.
"Ok maybe one time I will ask the Starbucks Service Crew kung bakit mas masarap ang kape nila today diba." natatawa pa niyang sabi.
"Huh? At talagang----? Kayo bahala sir."wala sa loob na sagot.
Ngumiti siya sa akin.
"Ang cute mo talaga Tin, kaya nga I like you." sabi pa niya at this time parang seryoso na siya.
Luh, anong sasagot ko...
Teka lang hindi yata ako makahinga...
Pagkatapos ay tumayo na ito at nanatiling hawak ang kape niya.
"Babalik na ako sa office ko Tin." sabi pa niya.
"Ah eh sige po sir salamat pala." tugon ko.
"Ahh wait, free kaba mamaya?" muli niyang tanong habang nakatayo sa harap ko.
"Free saan sir?"
Nangiti siya sandali at muling humarap sa akin.
"Can I invite you for dinner?"
"Sir?"
"Iyon ay kung free ka lang naman diba."
"Pero bakit sir?"
"Simple lang gusto kita."
Tila nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya, pero dapat hindi niya ako mahalata no, pero ohh my God. Super kinikilig na ako.
"Ahh I mean is.. Gusto kita makasama for dinner. Mas masarap mag-usap kung wala sa office diba?"
"I thought si Alyssa ang-----"
Tsaka siya muling tumawa.
"Bakit mo naman naisip yan?" medyo natigilan siya.
"Dahil maganda si Alyssa compare to me."
"No! Mas maganda ka Tin, at hindi namn yon ang mahalaga." siryoaong sabi niya.
Napatango nalang ako.
"So I'll see you later at 6:00 ok." tsaka siya ngumiti at tumalikod na.
Habang ako naman ay nakatulala pa din…