Halos 8:00 PM na ng makarating ako sa bahay namin. "Ohhh Tin, di ka nagsabi uuwi ka pala." salubong pa sa akin ni nanay . Tsaka ko inabot ang kamay nito upang nagmano.. "Sows, para naman may mababago kung sinabihan ko kayo no." biro ko pa dito. "Hay nako, ikaw talagang bata ka. Syempre mabuti na yong alam ko diba." katwiran pa nito. "Next time 'Nay madaling-araw pa lang ti-text na kita." natatawa ko pang sabi sa kanya. Natawa nalang ito. "Teka, kumain kana ba ha?" "Ano ba ulam 'Nay muna?" paninigurado ko pa. "Kasi kapag di mo gusto ulam, sasabihin mo sa akin na kumain kana ganon ba? Hindi teka, ipaghain kita." sabi pa nito tsaka tumalikod patungo sa kusina. "Si Tatay pala nay nasaan?" tanong ko pa habang ibinababa ang pagkabigat-bigat kong bag at konting pasalubong para sa kanil

