Kristine's POV continuation... Tahimik lang naupo sa tapat ko si Brenan. Habang ako naman ay patuloy lang sa pagkain. "Ate diba nandito ka pa din bukas?" alanganing tanong niya sa akin. "At baket?" matipid na tugon ko. Di ko maintindihan kung mabu-bwisit ba ako sa kanya or what. Dahil sa mga nakita ko. "Walang lang, baka kasi gusto mong tawagan ko si Bea, para inom tayo kahit tig 1 bottle lang. Tutal pwede ka naman tayo tanghaliin ng gising bukas." He's talking about my classmate and friend na din. Madalas siya dito sa bahay kaya naman tropa na din sila ni Brenan. Or baka may mas higit pa don I don't know. "Sige, nakakainip nga." matipid na tugon ko. Bigla namang sumigla ang mukha nito. "Yun oh! Ok ate tawagan ko siya mamaya. Sabi niya kasi iinum lang siya kapag kasama ka." sabi

